Paksa: Kolektibong Kultura sa pagbili ng Happy Meals at pagdalo sa Komikon at Komiket
Rasyonal: Naging uso na ngayon ang pagbili ng limitadong edisyong Happy Meals sa iba't ibang fastfood chains at ang pagdalo sa mga pop culture events gaya ng Komikon at ang ito ay hindi na lamang simpleng pag konsumo, kundi bahagi na ng kolektibong kultura ng fandom sa Pilipinas. Ang mga gawang ito ay nagsisilbing lugar ng pagbuo ng identidad, pagkakaisa ng mga tagahanga, at pagpapahayag ng pagkahilig sa mga produktong popular. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkonsumo, nabubuo ang mga komunidad ng tagasuporta na aktibong nakikilahok sa kultura ng pagbili, pagpapalitan, at presentasyon ng sarili sa publiko. Layunin ng pag-aaral na ito na siyasatin kung paanong ang mga aktibidad na ito ay nagsisilbing daluyan ng kolektibong karanasan at panlipunang ugnayan sa kulturang popular ng mga Pilipino.
Mga Layunin:
- Tukuyin ang mga dahilan at motibasyon ng mga indibidwal sa pagbili ng Happy Meals at sa pagdalo sa Komikon bilang bahagi ng kulturang popular.
- Suriin kung paanong ang mga gawaing ito ay nagiging bahagi ng kolektibong karanasan at pakikilahok sa fandom culture.
- Ipaliwanag ang papel ng consumerism sa pagbuo ng identidad at pagkakakilanlan ng mga kalahok sa mga aktibidad na ito.
- Ilarawan ang ugnayan ng pagbili at pagdalo sa mga pop culture events bilang mga anyo ng modernong ritwal panlipunan.
- Masipat ang epekto ng mga ganitong gawain sa paghubog ng komunidad, pagkakaibigan, at interaksyong panlipunan sa konteksto ng kulturang popular sa Pilipinas.
Metodolohiya: Gagamit ang pag-aaral ng kualitatibong lapit na nakaangkla sa kulturang popular bilang lente ng pagsusuri. Isasagawa rin ang observational method sa iba’t ibang mga kaganapan o event at mga social media platforms tulad ng Facebook, X, at Instagram, upang masuri ang ugnayan ng konsumo, fandom, at kolektibong gawi. Gagabayan ang pagsusuri ng mga konsepto tulad ng ritwal ng konsumo, identidad, at kolektibong kultura upang mailantad ang mas malalim na kahulugan ng mga gawaing ito sa konteksto ng kulturang popular sa Pilipinas.