Paksa: Korona ng Kabogera: Ang Komparatibong Pag-aaral ng Drag Race Philippines at Amakabogera ni Maymay Entrata sa Konteksto ng Gender Expression sa Pop Culture
Rasyonal: Sa pagsusulong ng media representations sa Pilipinas, mas lumalakas ang presensya ng mga palabas at awitin na kumakatawan sa mga alternatibong identidad. Sa palabas na Drag Race Philippines ay hindi lamang isang kompetisyon sa makeup, pageantry at iba pa, naging plataporma ito ng gender politics, resistance at visibility. Samantala, ang kanta naman na “Amakabogera” ni Maymay Entrata, umani ng atensyon sa pagiging anthem of unapologetic self-expression, na tumatawid mula sa mainstream pop patungong queer empowerment.
Mga Layunin:
-
Tukuyin ang mga temang nagkakapareho sa Drag Race PH at sa kantang “Amakabogera” kaugnay ng gender expression, empowerment, at identity.
-
Suriin kung paanong ginagamit ng mga audience ang dalawang anyong ito bilang bahagi ng kanilang self-expression.
-
Ihambing ang epekto ng dalawang media sa visibility at representasyon ng LGBTQ+ sa Filipino mainstream culture.
-
Magbigay ng pagsusuri sa kanilang papel sa pagsulong ng mas inklusibong pananaw sa kasarian at pagkatao sa lipunan.
Metodolohiya: Sa pag-aaral na ito ay susuriin ang Drag Race Philippines at ang kantang “Amakabogera” ni Maymay Entrata bilang isang anyo ng representasyon at gender performativity sa pop culture. Isasagawa ang pag-aaral ng tekstwal at diskurso analisis upang pag-aralan ang mga nilalaman ng mga piling episode at lyrics, kasama na rito ang reaksyon ng publiko. Gamit ang Gender Performativity Theory ni Judith Butler, susuriin dito kung paanong ang kasarian ay ginagampanan sa pamamagitan ng kilos, pananamit at sining. Layon na maipakita dito kung paanong ang dalawang media ay isang daluyan ng empowerment, visibility, at cultural resistance, lalo na para sa kababaihan at LGBTQ+ communities.