Paksa para sa Analitikal na Papel

Get, Get, Aw!: Si Darna, ang SexBomb Girls, at ang Sekwalisasyon Bilang Elemento ng Kulturang Popular

Get, Get, Aw!: Si Darna, ang SexBomb Girls, at ang Sekwalisasyon Bilang Elemento ng Kulturang Popular

by Jelena May Cruz -
Number of replies: 1

Paksa: 

Get, Get, Aw!: Si Darna, ang SexBomb Girls, at ang Sekwalisasyon Bilang Elemento ng Kulturang Popular

Rasyonal:

Sa Pilipinong kulturang popular, hindi maiiwasan ang pagkaprominente ng sekwalisasyon ng kababaihan. Ang mga SexBomb Girls o EB Babes na madalas makikitang nagsasayaw nang may maiikling kasuotan sa isa sa mga pinakasikat na noontime show at ang disenyo ng kilalang karakter na si Darna ay iilan lamang sa mga halimbawa nito. Masasabing isa itong elemento ng kulturang popular, ngunit maaaring pagtalunan kung layunin ba nitong magsilbi bilang female empowerment o sadyang objektipikasyon ng kababaihan.

Mga layunin:

  1. Suriin ang sekwalisasyon ng kababaihan sa imahe ng SexBomb Girls at ng disenyong karakter ni Darna.
  2. Siyasatin ang papel ng laganap na sekswalisasyon sa representasyon ng kababaihan sa kulturang popular.
  3. Tukuyin kung paano pinapatibay o potensyal na hinahamon ng mga kultural na aykon tulad ng SexBomb Girls at ni Darna ang dominenteng gender norms.

Metodolohiya:

Sa pagsusuring ito, pipili ng tatlong kanta ng SexBomb Girls sa pagsuri ng imahe ng grupo, kasama ang liriko, sayaw, at kasuotan. Titingnan rin ang disenyong karakter ni Darna sa komiks at isang live action adaptation. Gagamitin ang semiotics analysis upang kilalanin ang mga interpretasyon sa pagsiyasik ng dalawang pokus ng papel. Gagamitin rin ang teorya ni Laura Mulvey ukol sa male gaze at ang sinulat ni Ricardo G. Abad sa perspektibang sosyolohikal sa Pilipinong kulturang popular.

In reply to Jelena May Cruz

Re: Get, Get, Aw!: Si Darna, ang SexBomb Girls, at ang Sekwalisasyon Bilang Elemento ng Kulturang Popular

by Odessa Joson -