Paksa para sa Analitikal na Papel

Ang Popularisasyon ng Protestang Biswal: Isang Paghahambing sa Gawa nina Kapitan Tambay at Brayan Barrios

Ang Popularisasyon ng Protestang Biswal: Isang Paghahambing sa Gawa nina Kapitan Tambay at Brayan Barrios

by Rondale Ashton Phil Tolentino -
Number of replies: 1

Paksa: Ang Popularisasyon ng Protestang Biswal: Isang Paghahambing sa Gawa nina Kapitan Tambay at Brayan Barrios

Rasyonal:
Sa kasalukuyang panahon ng krisis pampulitika sa Pilipinas, lumilitaw ang mga anyo ng protesta at komentaryong panlipunan sa pamamagitan ng sining. Sina Kapitan Tambay, sa anyo ng digital komiks sa Facebook, at Brayan Barrios, sa anyo ng street art, ay parehong gumagamit ng sining upang bigyang-liwanag ang mga usaping panlipunan, kagaya ng kahirapan, kasinungalingang historikal, at katiwalian sa gobyerno. Kahit na magkaibang plataporma ang kanilang ginagalawan, pareho silang umaabot sa masa at nakikilahok sa diskurso ng bayan. Mahalagang pag-aralan ang kanilang sining kung paano ito nagiging anyo ng popularisasyon, isang proseso ng pagkilala ng ideya sa madla na nagpapahikayat ng kritikal na pag-iisip sa lipunan. Ayon kay Guillermo (1993), mas epektibong ipinapalaganap ang mensahe ng isang sining sa pamamagitan ng paggamit ng mga sikat at madaling ma-access na mga midyum.

Mga Layunin: 
1. Ihambing ang mga gawa nina Kapitan Tambay at Brayan Barrios bilang anyo ng biswal na komentaryong panlipunan
2. Suriin ang kanilang estilo, simbolismo, at nilalaman sa pagpapaigting ng kamalayang politikal ng publiko
3. Talakayin kung paano nila ginagamit ang kanilang plataporma upang ipopularisa ang mga masalimuot na usapin

Metodolohiya:
Gagamitin ang semiotic analysis upang suriin ang mga piling gawa nina Kapitan Tambay at Brayan Barrios. Bibigyang-pansin ang mga simbolo at mensahe upang maunawaan kung paano nila isinasaanyo ang mensaheng panlipunan sa kanilang gawa. Kasabay nito, gagamit din ang konsepto ng popularisasyon sa konteksto ng biswal na sining at ng kulturang popular upang maihambing ang kanilang pamamaraan ng pagpopularisa. Magiging batayan ng pagsusuri ang mga likhang inilathala sa Facebook page ni Kapitan Tambay at dokumentasyon ng mga wheat-paste street art ni Brayan Barrios sa kanyang Instagram page at sa ibang artikulo. 

Sanggunian:
Guillermo, A. (1993). Mao Zedong's Revolutionary Aesthetics and Its Influence on the Philippine Struggle. In Alay Sining (2013), Rev ASg – Selected Articles on Cultural Revolution in the Philippines (pp. 21-59).

In reply to Rondale Ashton Phil Tolentino

Re: Ang Popularisasyon ng Protestang Biswal: Isang Paghahambing sa Gawa nina Kapitan Tambay at Brayan Barrios

by Odessa Joson -