Paksa para sa Analitikal na Papel

Peke Pero Patok: Isang Pag-aaral sa Papel ng Unofficial Merchandise sa Fandom sa Pilipinas

Peke Pero Patok: Isang Pag-aaral sa Papel ng Unofficial Merchandise sa Fandom sa Pilipinas

by Anne Michelle Sabado -
Number of replies: 3

Peke Pero Patok: Isang Pag-aaral sa Papel ng Unofficial Merchandise sa Fandom sa Pilipinas

Rasyonal:
 Sa mundo ng stanning o paghanga—maging ito man ay sa artista, singer, o idol—ang pagbebenta ng official merchandise ay isang mahalagang bahagi ng kanilang marketing strategy. Para sa mga tagahanga, ang pagbili ng merchandise ay isang konkretong paraan ng pagpapakita ng suporta at pakikiisa sa fandom. Ngunit sa konteksto ng Pilipinas, may isa pang mas kapansin-pansing paraan ng pagpapakita ng suporta: ang pagbili ng unofficial merchandise na mabibili sa mga bangketa, Quiapo, at Divisoria. Ang paglaganap ng unofficial merchandise ay hindi lamang indikasyon ng kasikatan ng isang personalidad o grupo, kundi repleksyon din ng sosyo-ekonomikong kalagayan ng bansa. Dahil hindi lahat ng tagahanga ay may kakayahang bumili ng mamahaling official merchandise, pinipili ng marami ang mas murang alternatibo upang makibahagi pa rin sa fandom. Sa ganitong konteksto, mahalagang suriin kung paanong ang pagbili ng danas (karanasan) ay minsan mas pinahahalagahan kaysa sa mismong produkto. Layunin ng papel na ito na siyasatin ang kaugnayan ng unofficial merchandise sa kasikatan, consumer behavior, at kulturang popular ng masa sa Pilipinas.

Layunin:
- Suriin kung ano ang naibibigay na halaga at karanasan sa mga fans sa pagbili ng merchandise, partikular na ng unofficial merchandise.
- Talakayin ang ugnayan ng ekonomiya, accessibility, at fandom sa konteksto ng pagbili ng unofficial merchandise.
- Ipaliwanag kung paanong ang pagbili ng danas (karanasan) ay maaaring mas mahalaga kaysa sa pagkakaroon ng official na produkto.
- Tukuyin kung paanong nagiging sukatan ng kasikatan ang paglitaw ng unofficial merchandise sa mga espasyong masa tulad ng bangketa, Quiapo, at Divisoria.

Metodolohiya: Ang papel na ito ay gagamit ng case study approach na nakatuon sa fandom at merchandise culture ng AlDub at BINI—dalawang halimbawa ng mga personalidad o grupo na umabot sa mataas na antas ng kasikatan sa Pilipinas. Susuriin ang presensya at anyo ng unofficial merchandise na kaugnay sa kanila upang ipakita kung paanong ang ganitong produkto ay umuusbong kasabay ng kanilang kasikatan. Gagamit din ng piling akademikong literatura na tumatalakay sa consumer behavior ng mga tagahanga, lalo na sa konteksto ng pop culture at fandom. Sa ganitong paraan, mapapaliwanag kung paanong ang ekonomiko o panlipunang kakayahan ng isang fan ay may direktang impluwensya sa kanilang partisipasyon sa fandom sa pamamagitan ng pagbili ng unofficial merchandise.

In reply to Anne Michelle Sabado

Re: Peke Pero Patok: Isang Pag-aaral sa Papel ng Unofficial Merchandise sa Fandom sa Pilipinas

by Anne Michelle Sabado -
Correction: Peke Pero Patok: Isang Pag-aaral sa Papel ng Unofficial Merchandise sa Fandom ng AlDub at BINI
In reply to Anne Michelle Sabado

Re: Peke Pero Patok: Isang Pag-aaral sa Papel ng Unofficial Merchandise sa Fandom sa Pilipinas

by Anne Michelle Sabado -
Correction sa Layunin

Layunin:
- Suriin kung ano ang naibibigay na halaga at karanasan sa mga fans sa pagbili ng merchandise, partikular na ng unofficial merchandise.
- Talakayin ang ugnayan ng ekonomiya, accessibility, at fandom sa konteksto ng pagbili ng unofficial merchandise.
- Ipaliwanag kung paanong para sa mga fans ng AlDub at BINI, ang pagbili ng danas (karanasan) ay maaaring mas pinahahalagahan kaysa sa mismong official na produkto.
In reply to Anne Michelle Sabado

Re: Peke Pero Patok: Isang Pag-aaral sa Papel ng Unofficial Merchandise sa Fandom sa Pilipinas

by Odessa Joson -
APROBADO na may reserbasyon.
Dated na ang AlDub. Mahihirapan kang maghanap ng merch, official or unofficial.