Paksa para sa Analitikal na Papel

Kasmala Talagang Kakaiba: Isang Pag-aaral sa Kaugnayan ni Pedro Penduko at ang Ppop Boy Group na “Alamat” bilang Repleksyon ng Katutubong Kultura at Kulturang Popular Gamit ang Teoryang Post-Kolonyalismo

by Sherly Mae Traifalgar -
Number of replies: 3

Paksa: Kasmala Talagang Kakaiba: Isang Pag-aaral sa Kaugnayan ni Pedro Penduko at ang Ppop Boy Group na “Alamat” bilang Repleksyon ng Katutubong Kultura at Kulturang Popular Gamit ang Teoryang Post-Kolonyalismo

Rasyonal: Nakaugat sa katutubong kultura nating mga Pilipino ang mayamang tradisyon at kaugalian na makikita sa iba’t ibang aspeto ng ating pamumuhay kabilang na ang musika, sining, sayaw, pagkukuwento, relihiyon, at iba pang-araw-araw na gawain. At sa kabila ng kolonisasyon, nanatili ang katutubong kultura natin bilang isang espasyo kung saan ang mga katutubong tradisyon at gawi ay napapanatili at iniaangkop, na kadalasan bilang tugon sa mga panggigipit ng kolonyal na dominasyon. Gayunman pa man, sa kabilang banda, kinilala rin natin na malaking bahagi ng ating kultura ay higit na naimpluwensya ng kolonisasyon. Ang konsepto ng kulturang popular na siya ring epekto ng kolonyalismo ay nagpatuloy at unti-unting niyakap ang identidad natin bilang mga Pilipino. Kaya naman sa kasalukuyan, nais nating suriin ang kaugnayan ng dalawang pwersang ito bilang repleksyon ng ating Pagka-Pilipino.

Mga Layunin:

  1. Alamin kung paano naging representasyon ng Katutubong Kultura ang komiks karakter na si Pedro Penduko at ang konsepto pagbuo sa PPop Boy Group na Alamat.
  2. Suriin gamit ang lente ng teoryang post-kolonyalismo ang naging epekto ng kolonisasyon sa “branding” at kabuuang imahe ni Pedro Penduko at ng Alamat.

  3. Tukuyin kung paano nakaapekto ang Post-Kolonyalismo at Kulturang Popular sa Katutubong Kultura at Pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino

Metodolohiya: Ang pagsusuring ito ay gagamit ng teoryang post-kolonyalismo bilang pangunahing lente upang makita ang kaugnayan at naging epekto ng kolonisasyon sa pagkonsumo natin ng Kulturang Popular at Katutubong Kultura nating mga Pilipino. Sa teorya din na ito, makikita kung paano tayo hinubog at patuloy na hinubog ng kolonyalismo hanggang sa kasalukuyang panahon. Upang makakuha naman ng sapat na impormasyon para sa dalawang pangunahing paksa, gagamit ang pagsusuring ito ang mga materyales katulad ng komiks strips, tv episodes, at artikulo para sa Pedro Penduko. Habang mga music videos,liriko ng mga kanta, panayam, at mga artikulo naman para sa “Alamat.”

In reply to Sherly Mae Traifalgar

Re: Kasmala Talagang Kakaiba: Isang Pag-aaral sa Kaugnayan ni Pedro Penduko at ang Ppop Boy Group na “Alamat” bilang Repleksyon ng Katutubong Kultura at Kulturang Popular Gamit ang Teoryang Post-Kolonyalismo

by Odessa Joson -
APROBADO.
Dahil branding ang paksa, huwag na isama ang pagsusuri sa mga awit ng Alamat.
In reply to Odessa Joson

Re: Kasmala Talagang Kakaiba: Isang Pag-aaral sa Kaugnayan ni Pedro Penduko at ang Ppop Boy Group na “Alamat” bilang Repleksyon ng Katutubong Kultura at Kulturang Popular Gamit ang Teoryang Post-Kolonyalismo

by Sherly Mae Traifalgar -
Magandang hapon po, ma'am ow! Nais ko lang po sanang linawin kung maaari ko pa rin po bang suriin ang kanilang mga music video at ang kalakip nitong branding at istorya? ngunit hindi na po ako magpopokus sa mismong nilalaman ng kanilang mga awit. Maraming salamat po!
In reply to Sherly Mae Traifalgar

Re: Kasmala Talagang Kakaiba: Isang Pag-aaral sa Kaugnayan ni Pedro Penduko at ang Ppop Boy Group na “Alamat” bilang Repleksyon ng Katutubong Kultura at Kulturang Popular Gamit ang Teoryang Post-Kolonyalismo

by Odessa Joson -
Okay. Basta hindi content analysis ng lyrics.