Paksa para sa Analitikal na Papel

“Happy nga ba ang ‘Happy Crush’?: Kilig, Delulu Culture, at Dream Boy Image sa Imahe ni Donny Pangilinan at sa Kantang Randomantic ni James Reid sa Kulturang Popular

“Happy nga ba ang ‘Happy Crush’?: Kilig, Delulu Culture, at Dream Boy Image sa Imahe ni Donny Pangilinan at sa Kantang Randomantic ni James Reid sa Kulturang Popular

by Karen Faye Cruz -
Number of replies: 2

Paksa:  

“Happy nga ba ang ‘Happy Crush’: Kilig, Delulu Culture, at Dream Boy Image sa Imahe ni Donny Pangilinan at sa Kantang Randomantic ni James Reid sa Kulturang Popular

Rasyonal:
Ang “delulu culture” ay pinaikling termino para sa delusional fan behavior na sumikat sa social media bilang isang uri ng fantasya kung saan iniisip ng tagahanga na may posibilidad silang magkaroon ng romantikong koneksyon sa kanilang iniidolong celebrity. Sa kontekstong ito, umuusbong ang mga imahe ng dream boy at happy crush bilang sentrong elemento ng kilig, ilusyon, at emosyonal na attachment sa kulturang popular. Si Donny Pangilinan ang madalas na inilalarawan bilang ideal boyfriend ng kabataang Pilipino, na sumasagisag sa kolektibong pantasya ng maraming fans. Samantala, ang kantang Randomantic ni James Reid ay nagbibigay ng lirikal at musikal na anyo sa istandard kung paano dapat magmahal ang isang “romantic partner,” ayon sa imahinasyon ng kabataan. Sa pamamagitan ng mga representasyong ito naisasalim ang affective consumption sa mga tagapanood at tagapakinig.

Mga layunin:

Suriin ang pagkakapareho ng dream boy image na nabubuo sa katauhan ni Donny Pangilinan at sa kantang Randomantic ni James Reid. Layon ding tukuyin kung paano naisasakatuparan ang affective consumption sa pamamagitan ng fan engagement tulad ng mall shows, brand partnerships, streaming activities, at live performances sa konteksto ng delulu culture at kilig-driven fandom.

Metodolohiya:
Gagamit ang pag-aaral ng comparative media analysis sa imahe ni Donny Pangilinan at sa kantang Randomantic ni James Reid. Isasagawa ang discourse analysis sa fan content tulad ng mga komento sa TikTok edits ni Donny, paggamit ng Randomantic bilang background music, YouTube comments sa music video ng kanta, mga posts o tweets sa Twitter/X at Facebook pati na rin sa mga mall shows, gigs, at brand campaigns upang masuri ang kilig, fantasya, at affective consumption. Bahagi rin ng pagsusuri ang lyrical analysis ng Randomantic upang matukoy kung paanong ito'y nagiging daluyan ng dream boy image at parasosyal na attachment. Gagamitin ang Affective Consumption bilang mga pangunahing lente. Layunin ng metodolohiyang ito na ilarawan ang emosyonal na ugnayan ng mga fans sa kanilang iniidolo sa konteksto ng delulu culture sa kulturang popular ng kabataang Pilipino.

In reply to Karen Faye Cruz

Re: “Happy nga ba ang ‘Happy Crush’?: Kilig, Delulu Culture, at Dream Boy Image sa Imahe ni Donny Pangilinan at sa Kantang Randomantic ni James Reid sa Kulturang Popular

by Odessa Joson -
APROBADO. Tiyakin ang depinisyon ng happy crush. Linawin kung maiuugnay nga ito sa delulu culture.
In reply to Karen Faye Cruz

Re: “Happy nga ba ang ‘Happy Crush’?: Kilig, Delulu Culture, at Dream Boy Image sa Imahe ni Donny Pangilinan at sa Kantang Randomantic ni James Reid sa Kulturang Popular

by Karen Faye Cruz -
Narito po ang iba pang paksa na isinusumite ko bilang alternatibo:

Paksa: “Ma, I’m Sorry, Ma”: Ang Panganay sa Lente ng Filipino Family Dynamics, Tunggalian, at Hegemonic Struggle sa Four Sisters and a Wedding at Encantadia

Rasyonal:
Nakasanayan na sa kulturang Pilipino ang pag-atang ng mabigat na responsibilidad sa mga panganay, bagay na makikita sa Encantadia (2005) at Four Sisters and a Wedding (2013). Sa dalawang tekstong ito, inihaharap ang tunggalian ng mga panganay sa pagitan ng inaasahang papel sa pamilya at personal na hangarin. Masasalamin dito ang hegemonic struggle na nagsusulong ng isang dominanteng imahe ng “ideal” na anak. Kalakip din ang cultural negotiation kung saan sinusubukan ng mga karakter na balansihin ang tradisyon at sariling identidad. Sa ganitong lente, nagiging daluyan ang kulturang popular ng tahimik na pakikibaka sa loob ng pamilya.

Mga Layunin:
Suriin ang representasyon ng panganay complex at sibling rivalry sa Encantadia at Four Sisters and a Wedding. Nais ding ipaliwanag ng papel kung paanong naipapakita ang hegemonic struggle at cultural negotiation sa mga karakter bilang sagot sa mga inaasahan sa pamilya.

Metodolohiya:
Gagamit ang papel ng comparative textual analysis sa dalawang pangunahing media texts: ang Encantadia (2005) bilang teleserye at ang pelikulang Four Sisters and a Wedding (2013). Susuriin ang mga piling eksena sa ilang episode at dayalogo upang matukoy ang mga tema ng tunggalian, kapangyarihan, at responsibilidad ng panganay. Ilalapat ang konsepto ng hegemonic struggle mula sa teorya ni Antonio Gramsci upang suriin ang internal at external na presyur sa mga karakter. Gagamitin din ang pananaw ng cultural negotiation upang unawain kung paano binabalanse ng mga karakter ang mga tradisyunal na family values at personal na hangarin. Layunin nitong ipakita na ang pamilya bilang institusyon ay hindi lamang lugar ng pagmamahal kundi maaarin ding magkaroon ng banggaan.