Paksa para sa Analitikal na Papel

Pits and Dions: Paglalapat ng Liriko ni Dionela at Sitcom Humor ni Pitoy sa Kultura ng Masa

Pits and Dions: Paglalapat ng Liriko ni Dionela at Sitcom Humor ni Pitoy sa Kultura ng Masa

by Gerda Coleen Zapanta -
Number of replies: 1
Pits and Dions: Paglalapat ng Liriko ni Dionela at Sitcom Humor ni Pitoy sa Kultura ng Masa
 

Rasyonal:
Sa larangan ng kulturang popular, ang musika at telebisyon ay mahalagang anyo ng midya na naglalahad ng mga kwento at saloobin ng pangkaraniwang tao. Sa ganitong konteksto, mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga produktong kultural na lumalaganap at tinatangkilik ng masa, gaya ng mga kanta ni Dionela at ng programang Pepito Manaloto. Bagamat nagmumula sa magkaibang midyum, kapwa silang nagsasalaysay ng mga temang malapit sa karanasan ng karaniwang Pilipino, tulad ng pag-ibig, pamilya, at pag-asa. Layunin ng papel na ito na suriin kung paanong ang parehong midya ay nagtataglay ng mga estilo at nilalaman na nakaugat sa kulturang popular, at kung paanong ang mga ito ay nag-aambag sa paghubog at reproduksyon ng mga kolektibong paniniwala, emosyon, at gawi ng masa.

Mga Layunin:

  1. Ianalisa ang mga piling kanta ni Dionela at mga eksena mula sa Pepito Manaloto upang matukoy ang mga tema, porma, at estilong ginagamit sa pagpapahayag ng mga kaisipan at damdamin.

  2. Ihambing ang dalawa sa konteksto ng kulturang popular, kung paano ginagamit ng musika at telebisyon ang mga simbolo, wika, at naratibo upang makipag-ugnayan sa masa at sumasalamin sa kanilang karanasan.

  3. Tukuyin kung paano nakakaapekto ang istilo at nilalaman sa pagtanggap ng mga tagapakinig at manonood.

  4. Magsagawa ng kritikal na pagbasa sa ugnayan ng nilalaman at pagtanggap ng publiko bilang bahagi ng patuloy na pagbabago at reproduksyon ng kulturang popular sa Pilipinas.

Metodolohiya:
Gagamit ang papel na ito ng tekstuwal at kontekstwal na pagsusuri sa piling kanta ni Dionela at sa mga piling eksenang nagpapakita ng mga temang pampamilya, pag-ibig, at buhay-komedya mula sa Pepito Manaloto. Susuriin ang paggamit ng wika, estruktura ng naratibo, temang piniling ipahayag, at ang retorikal na paraan ng paghahatid ng mensahe. Gagamit ng mga Theoretical Framework na susuporta sa pagsasaliksik nito. Ituturing din ang epekto ng mga ito sa madla gamit ang mga lente ng cultural studies at media analysis. Susuriin din ang epekto ng dalawang midya sa mga tagapakinig at manonood base sa paraan ng pagsasalaysay at presentasyon.

In reply to Gerda Coleen Zapanta

Re: Pits and Dions: Paglalapat ng Liriko ni Dionela at Sitcom Humor ni Pitoy sa Kultura ng Masa

by Odessa Joson -
APROBADO ngunit lagyan ng limitasyon ang papel. Iminumungkahi na ilimita sa tatlong (3) episodyo ng Pepito Manaloto (current season) at tatlong kanta rin mula sa artist na pinili.