Paksa para sa Analitikal na Papel

Epekto ng Cancel Culture sa Industriya ng Libangan sa Pilipinas

Epekto ng Cancel Culture sa Industriya ng Libangan sa Pilipinas

by Anne Michelle Sabado -
Number of replies: 1

Paksa: Epekto ng Cancel Culture sa Industriya ng Libangan sa Pilipinas

Rasyonal: Sa usapin ng kulturang popular, kadalasang itinuturing ang mga konsyumer bilang mga pasibong kalahok sa diskurso. Bagamat may katotohanan ito, hindi ito ganap na totoo sa lahat ng pagkakataon. Ang isyu ng cancel culture ay nagpapakita na ang mga konsyumer ay may kakayahan ding maging aktibo—hindi lamang bilang tagatanggap kundi bilang mga indibidwal na may kapangyarihang tumutol sa mga produkto ng kulturang popular. Sa pag-aaral na ito, gagamitin ang programang Eat Bulaga upang ipakita kung paano hindi palaging tinatanggap ng masa ang mga biro ng mga host sa noontime show. Susuriin din ang mga kanta ni Andrew E. na may mga problematikong nilalaman at ikukumpara ito sa mga kanta ni Zack Tabudlo na may ibang mensahe at tono. Sa pamamagitan nito, mauunawaan kung paano ginagamit ng mga konsyumer ang cancel culture upang ipahayag ang pagtutol at pananagutan sa industriya ng libangan.

Layunin:
- Pag-aralan kung paano nagaganap ang cancel culture sa industriya ng libangan at kung paano ito nagiging kasangkapan ng pananagutan.
- Suriin kung paano naaapektuhan ng cancel culture ang sining at malikhaing pagpapahayag.
- Tukuyin kung gaano katagal ang epekto ng cancel culture sa mga personalidad na kinansela.

Metodolohiya: Sa pagsusuring ito, gagamit ng content analysis ng ilang piling episode ng Eat Bulaga, mga cancel culture na post sa iba’t ibang social media platforms tulad ng X (dating Twitter), Facebook, at iba pa. Kasama ring susuriin ang mga mensahe sa mga kanta ni Andrew E. at Zack Tabudlo, pati na rin ang mga akademikong papel na may kaugnayan sa paksa.

Partikular na titingnan ang mga episode ng Eat Bulaga kung saan may kontrobersiyal na pahayag ang mga host, ang naging reaksyon ng manonood sa social media, at ang tugon ng palabas matapos silang matawag. Samantala, ang mensahe ng mga kanta ni Andrew E. noong panahong hindi pa laganap ang cancel culture ay ikukumpara sa mga kasalukuyang kanta ni Zack Tabudlo. Sa ganitong paraan, makikita kung paano naaapektuhan ang malikhaing kalayaan ng mga artista at kung paanong nagagamit ang cancel culture upang turuan ang mga personalidad na managot sa kanilang mga kilos na hindi na tinatanggap sa pamantayang etikal o moral ng lipunan.

In reply to Anne Michelle Sabado

Re: Epekto ng Cancel Culture sa Industriya ng Libangan sa Pilipinas

by Odessa Joson -
DESAPROBADO.
Masyadong pa rin malawak ang paksa. Limitahan at i-resubmit.