Paksa: Kung Ano-Anong Anik-Anik: Kolektibong Kultura sa Industriya ng Musika at Pagkain sa Pamamagitan ng Happy Meals at mga Photo Card
Rasyonal: Sa kasalukuyan, ang kulturang popular ay makikita sa pagsasanib ng industriya ng musika at pagkain sa anyo ng Happy Meals at photo cards. Ang mga kolaborasyon sa pagitan ng mga fast food chains at mga sikat na musikero, tulad na nga ng K-pop group na BTS at ng lokal na grupong BINI, ay nagiging bahagi ng tinatawag na collective culture, kung saan ang mga karanasan ng mga mamimili ay hindi lamang nauukol sa pagkain o musika, kundi pati na rin sa shared identity, fandom, at consumer rituals. Sa pamamagitan nito, naipapakita kung paano ginagamit ang kultura bilang kasangkapan ng komersiyalisasyon. Mahalaga itong pag-aralan upang maunawaan ang epekto ng kulturang popular sa pagkakakilanlan, gawi, at ugnayang panlipunan ng mga mamimili.
Mga layunin:
- Matukoy kung paano nagsasanib ang industriya ng musika at pagkain sa pamamagitan ng mga produktong gaya ng Happy Meals at photo cards.
- Masuri ang epekto ng ganitong kolaborasyon sa pagkonsumo at gawi ng mga tagahanga o mamimili.
- Maipaliwanag kung paano nagiging bahagi ng kolektibong kultura ang mga simpleng produkto bilang simbolo ng fandom at pagkakakilanlan.
- Matalakay ang papel ng kulturang popular sa komersiyalisasyon at pagbuo ng shared experiences sa lipunan.
- Makapagbigay ng kritikal na pagtingin sa mga implikasyon ng ganitong phenomena sa kulturang Pilipino at global na kabataan.
Metodolohiya:
Gagamit ang pag-aaral ng kualitatibong disenyo na nakaangkla sa kulturang popular bilang lente ng pagsusuri. Isasagawa ang textual at visual analysis sa mga promotional materials, advertisements, at social media content kaugnay ng Happy Meals at photo cards. Ang pagsusuri ay gagabayan ng mga konsepto ng commodification sa kulturang popular upang suriin ang ugnayan ng konsumo, identidad, at kolektibong kultura. Maari ring mag sagawa ng participatory obeservation at aktibong makilahok sa pagbili ng mismong produkto upang maranasan ang