Paksa 1: “If you like me, Blink Twice”: Isang Komparatibong Pagsusuri sa "Male Gaze" at Representasyon ng Midya sa Darna at sa Nation's Girl Group na BINI
Rasyonal: Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa pagsusuri ng pagtingin ng kalalakihan sa mga semiotika at representasyon ng midya sa karakter ni Darna bilang babaeng superhero at ng P-POP Girl Group na Bini. Sa pag-usbong ng mga ganitong diskurso sa midya, mahalagang suriin kung paanong ang mga babaeng pigura tulad ni Darna at ng girl group na BINI ay kinakatawan sa ilalim ng lente ng "male gaze." Maging hanggang ngayon, ang mga babaeng karakter at personalidad ay inilalarawan ng midya upang tumugon sa paningin at inaasahan ng patriyarkal na lipunan. Layon ng pagsusuring ito, mas mauunawaan ang epekto ng midyang represetasyon ng kababaihan sa kulturang popular at kung may pagbabago ba sa pagtinging ito.
Mga layunin:
-
Layunin ng papel na ito na ihambing ang representasyon nina Darna at BINI sa ilalim ng teoryang "male gaze" ni Laura Mulvey.
-
Tutukuyin kung paano nakaapekto ang kanilang midyang imahen sa pananaw ng publiko ukol sa representasyon ng kababaihan,
-
Nais ding siyasatin kung may mga pagbabagong nangyayari sa representasyon ng kababaihan kasabay ng pagbabagong sosyo-kultural.
Metodolohiya
Ang mag-aaral ay gagamit ng tekstuwal na analisis sa piling midya na kumakatawan sa dalawang parikular na subject ang Darna at BINI lalo na sa mainstream at komiks na midya. Kaugnay sa pagsusuring ito, magsasaliksik pa ang mag-aaral tungkol sa Theoretical Framework na “Male Gaze” ni Laura Mulvey na siyang pagbabatayan.. Isa pa rito, magsasaliksik din ng mga batis tulad ng mga journal, komentaryo, artikulo mula sa mga nararapat na sanggunian.
Paksa 2: "Happily Ever After": Isang Komparatibong Papel sa Paglalarawan at Estraktura ng konseptong pag-ibig sa pelikulang The Hows of Us at akdang Ikaw ay Ako o Ako ay Ikaw?
Rasyonal:
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ang konsepto ng romantiko o pag-ibig na patuloy nang inilalahad sa iba’t ibang midya na parte ng tema sa panitikan at pelikula. Gayunpaman, kapansin-pansin pa rin na may pagkakaiba sa paraan ng paglalahad nito na nakaayon sa konteksto at istilo ng paglalarawan nito. Sa pamamagitan ng paghahambing, mas mauunawaan ng mag-aaral kung paano binubuo ng mga manunulat ang konsepto o ideyal na paglalaran ng pag-ibig sa dalawang magkaibang anyo ng sining.
Mga layunin
-
Layunin ng papel na ihambing ang estruktura ng naratibo at representasyon ng konseptong pag-ibig sa The Hows of Us ni Direk Cathy Garcia Molina-Sampana at Ikaw ay Ako o Ako ay Ikaw? ni Martha Cecilia .
-
Nais din nitong tukuyin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng presentasyon ng pag-ibig sa dalawang anyo ng sining na ito.
-
Tutukuyin din kung paano ang mga naratibong ito ay nakakaapekto sa mga mambabasa at manonood ukol sa konsepto ng pag-ibig.
Metodolohiya:
Ang mag-aaral ay manonood at magbabasa muli ng dalawang halimbawa upang magkaroon ng kaligiran sa pag-aaral. Gagamit ng pagsusuri ukol sa naratibo at literary devices na ginamit upang suriin ang daloy at estraktura ng kwento at pati na rin sa pagbuo ng karakter. Gagamit ng mga Theoretical Framework na susuporta sa pagsasaliksik nito. Paghahambingin ang mg