Paksa para sa Analitikal na Papel

Korona at korona: Isang Komparatibong Pagsusuri sa Drag Race at Super Sireyna sa Konteksto ng Pop Culture

Korona at korona: Isang Komparatibong Pagsusuri sa Drag Race at Super Sireyna sa Konteksto ng Pop Culture

by Christian Sheen Marasigan -
Number of replies: 1

Paksa: Korona at korona:  Isang Komparatibong Pagsusuri sa Drag Race at Super Sireyna sa Konteksto ng Pop Culture

 

Rasyonal: Ang pagbubukas ng mainstream media sa pagdaan ng maraming panahon ay mas naging bukas ang mga alternatibong anyo ng pagpapakita ng kasarian at identidad, mahalaga na masuri dito kung paano ginagamit ng mga palabas tulad ngDrag Race at Super Sireynaang entertainment bilang isang plataporma para sa representasyon. Parehong nakapaloob ang dalawang palabas na ito sa pop culture at kakikitaan ng queer individuals sa paraang naaabot ng masang manonood. Gayunpaman, ang kaibahan ng kanilang konteksto ay makikita dito, ang isa’y mula sa Amerika na nagkaroon ng iba’t ibang bersyon sa mga bansa tulad ng Pilipinas at isa’y likha ng Pinoy noontime television kung saan ay nagbibigay-daan sa makabuluhang pagsusuri kung paano tinatanggap, binabago, at pinapanday ang queer visibility sa media.

 

Mga Layunin:

  1. Ihambing ang Drag Race at Super Sireyna bilang mga plataporma ng LGBTQ+ representation sa kani-kanilang konteksto.

  2. Suriin kung paano ginagamit ng parehong palabas ang performance bilang anyo ng empowerment at visibility.

  3. Tukuyin ang kontribusyon ng dalawang palabas sa paghubog ng popular na kultura at queer identity.

  4. Ipakita ang mga impluwensyang kultural, politikal, at panlipunan na bumabalot sa pagtanggap ng mga palabas sa kanilang mga audience.

 

Metodolohiya: Sa pananaliksik na ito ay makikita kung paano ginamit ang comparative analysis, na batay sa mga content analysis ng mga artikulo, dokumentaryo at opisyal na ulat tungkol sa parehong palabas na ito. Ginamit din dito ang textual analysis para sa mga episode ng Super Sireyna at Drag Race upang matukoy ang mga temang umusbong, tulad ng:

  • Aesthetics (beauty standards at fashion)

  • Performance (talent, lip sync, character)

  • Discourse on gender and identity (commentary ng hurado, kwento ng kalahok)

  • Audience reception at mainstream visibility

 

 



In reply to Christian Sheen Marasigan

Re: Korona at korona: Isang Komparatibong Pagsusuri sa Drag Race at Super Sireyna sa Konteksto ng Pop Culture

by Odessa Joson -

DESAPROBADO.

Parehong telebisyon.