Paksa para sa Analitikal na Papel

“Wuhluhwuh? Wuhluhwuh!: Pagsusuri sa Sapphic Representation sa Kantang Titibo-tibo ni Moira Dela Torre at sa Teleseryeng The Rich Man’s Daughter ng GMA sa Queer at Peministang Lente”

“Wuhluhwuh? Wuhluhwuh!: Pagsusuri sa Sapphic Representation sa Kantang Titibo-tibo ni Moira Dela Torre at sa Teleseryeng The Rich Man’s Daughter ng GMA sa Queer at Peministang Lente”

by Reina Isabella Balce -
Number of replies: 1

Paksa: “Wuhluhwuh? Wuhluhwuh!: Pagsusuri sa Sapphic Representation sa Kantang Titibo-tibo ni Moira Dela Torre at sa Teleseryeng The Rich Man’s Daughter ng GMA sa Queer at Peministang Lente” 

 

Rasyonal

Kapansin-pansin ang limitadong representasyon ng mga kababaihang sapphic sa kulturang popular ng Pilipinas, at sa iilang halimbawang mayroon, kadalasan ay binabalot ito ng mga patriarkal at heteronormatibong ideya, sa anyo ng fetishization o stereotyping. Gamit ang dalawang halimbawa ng kulturang popular, ang kantang Titibo-tibo at ang teleseryeng The Rich Man’s Daughter, susuriin kung paano binubuo ang representasyon ng mga kababaihang hindi umaayon sa mga patriarkal at heteronormatibong pamantayan na idinidikta sa kanila. Susuriin at paghahambingin ang mga naratibong tampok sa dalawang halimbawa ng kulturang popular, at kung paano nito sinasalamin at hinuhulma ang mga pananaw at pagtingin sa mga kababaihang ito. 

 

Mga Layunin: 

  • Paghambingin ang mga naratibo at representasyon ng mga kababaihang sapphic sa kantang Titibo-tibo ni Moira Dela Torre at sa teleseryeng The Rich Man’s Daughter ng GMA.

  • Tukuyin kung paano pinananatili o binabasag ng dalawang halimbawa ang mga dominanteng ideolohiya sa kulturang popular pagdating sa identidad at sekswalidad ng mga kababaihan.  

  • Suriin ang representasyon ng mga kababaihang sapphic sa dalawang halimbawa gamit ang queer at peministang pananaw. 

 

Metodolohiya: 

Sa pagsusuring ito, papanoorin at pakikinggan ng mag-aaral ang dalawang halimbawang nabanggit upang suriin ang mga nilalaman para sa tekstwal na analisis. Gagamitin ang queer at peministang pananaw, partikular na ang teorya nina Judith Butler at Laura Mulvey na teoryang performativity at teoryang male gaze. Hihimayin at bibigyang puna ang pagbuo sa mga persona at karakter sa mga halimbawa.

 

In reply to Reina Isabella Balce

Re: “Wuhluhwuh? Wuhluhwuh!: Pagsusuri sa Sapphic Representation sa Kantang Titibo-tibo ni Moira Dela Torre at sa Teleseryeng The Rich Man’s Daughter ng GMA sa Queer at Peministang Lente”

by Odessa Joson -
APROBADO.
Sixty five (65) episodes ang teleseryeng napili. TIyakin ang angkop na citation mula sa mga piling episodyo.