Mga Anunsiyo

Hinggil sa AB1, AB2, at Gawaing asingkrono - 11/19/2024

Hinggil sa AB1, AB2, at Gawaing asingkrono - 11/19/2024

by Odessa Joson -
Number of replies: 0

Hinggil sa AB1, AB2

1. May komento na sa inyong AB1 at AB2. Sundin ang komento.

2. Binigyan na ng puntos ang isinumiteng AB1 at AB2. Hindi na kailangan irebisa ang AB1 at AB2. Kung kulang, dagdagan para sa RKL. Kung luma, palitan sa RKL. Kung zero (0), maging mas maingat at responsable sa susunod. Ang pagiging "aprobado" ay hindi perpektong puntos. Ibig sabihin, sa inisyal na pagbasa, walang nakikitang pagkukulang sa AB1 at/o AB2. Ibang usapan at pagpupuntos pa rin ang RKL. 

3. Maari nang sulatin ang RKL.

Deadline: Nobyembre 25, 2024, 11pm

--------

Bilang paghahanda sa RKL, nasa ibaba ang gawaing asingkrono.

Basahin ang sumusunod:

1. Chapter 2: Review of the Literature ng Creswell John. Research Design: Qualitative, Quantitative, Mixed Methods Approaches. SAGE Publications Inc. 3rd Ed. 2009.

2. Kumar, R. “Reviewing the Literature.” Research Methodology. SAGE Publications Ltd. 3rd ed. 2011.

Pag-isipan ang sumusunod:

a. Ano ang kahalagahan ng rebyu ng kaugnay na literatura sa pananaliksik?

b. Ano-ano ang mga pamantayan ng mapagkakatiwalaan at akademikong sanggunian ng pananaliksik? 

c. Paano maisasakonteksto ang mga nauna nang pag-aaral sa iyong napiling paksa at disenyo ng pananaliksik?