Mga Anunsiyo

Iskedyul ng Klase

Iskedyul ng Klase

by Odessa Joson -
Number of replies: 4

Setyembre 6 - Walang klase. May mahalagang meeting na kailangan kong puntahan.

Gamitin ang oras ng klase sa pananaliksik para sa Assignment 1 at Pag-uulat;

Setymbre 10 - Library Orientation at pagtalakay sa babasahin sa Pananaliksik at Larang ng Sining.

Basahin sina Hannula at Kumar. Maghanda sa maikling pagsusulit hinggil sa babasahin.

Deadline ng Assignment.

Setyembre 13 - pag-uulat sa BAPA Tesis

Setyembre 17 - pag-uulat sa BAPA Tesis

Setyembre 20 - pag-uulat sa BAPA Tesis

In reply to Odessa Joson

Re: Iskedyul ng Klase

by Odessa Joson -

Ikinalulungkot kong sabihin na hindi matutuloy ang pag-uulat sa klase bukas. Magkakaroon ng pulong ang Committee on Academic Freedom and Human Rights na akala ko ay maaring hindi ko na daluhan dahil sa ating klase ngunit kailangan ang aking pagdalo. Gaganapin ang pulong sa Zoom kaya nasa OSA lamang ako kung kailangan ninyo ng konsultasyon.

Sa gayon, ang mga naka-assign na mag-ulat bukas ay mag-uulat sa Setyembre 17. Mag-a-adjust ang ating iskedyul dahil dito. 

Gamitin ninyo ang oras ng klase para sa pananaliksik at pagsusuri ng BAPA tesis kaugnay ng pag-uulat.

 

In reply to Odessa Joson

Re: Iskedyul ng Klase

by Odessa Joson -
Magandang gabi. Tama si Jappy, ikalawang araw ng Transport Strike bukas. Dahil dito, lilipat tayo sa online class. Magkikita tayo sa Zoom bukas. Ang detalye ay nasa account na ito. Ipagpapatuloy natin ang pag-uulat. Salamat.
In reply to Odessa Joson

Re: Iskedyul ng Klase

by Odessa Joson -
Magandang gabi. Ikinalulungkot kong sabihin na wala tayong onsite na klase bukas (Okt 01). May pulong ang Office of Anti-Sexual Harassment at kailangan kong dumalo. Sa halip na onsite na klase, mayroong gawaing asingkrono ngayong araw. Sipatin ang deadline at gawin sa loob ng itinakdang deadline.
 
Itutuloy at tatapusin natin ang pag-uulat sa BAPA tesis sa Biyernes (Okt 04).
 
Mag-iwan ng tanong kung kinakailangan.
 
Salamat.
In reply to Odessa Joson

Re: Iskedyul ng Klase

by Odessa Joson -
Magandang umaga. May personal akong emergency na kailangan bigyan ng atensyon. HIndi tayo magkaklase ngayong araw. Sa halip, mag-antabay sa approval ng inyong paksa dito sa VLE.