Gawaing Asingkrono - Nobyembre 14, 2024

Nacabu-an_Gawaing Asingkrono

Nacabu-an_Gawaing Asingkrono

by Mariel Alexandra Nacabu-An -
Number of replies: 0

a. Ano-ano ang mga lapit (approach) sa konserbasyon ng kamanahang kultural?

          Sa patuloy na pag unlad ng lungsod, ay siya ring pagkabulok ng mga kamanahang kultural sa ating lungsod. Ayon sa mga modernization theory practitioners, ang kamanahang kultural ay walang halaga at hindi makakapagbigay puhunan. Sa pagpapaunlad ng isang lungsod, ay hindi gaanong binibigyang kahalagahan ang kamanahang kultural hangga’t ito ay nakakapagbigay tulong sa economic status ng isang bansa. Upang masolusyonan ito ay may mga iminungkahing approaches, isa na rito ang tinatawag na adaptive reuse o ang paggamit sa mga istrukturang may kultural na kahalagahan bukod pa sa nilalayon nito. Halimbawa nito ay ang Henry Hotel sa Pasay City, kung saan ginawang hotel ang mga historic houses na nakatayo rito. Sa pagsasagawa nito ay nakatutulong ito sa pagpapaunlad ng employment rates at cultural tourism ng isang bansa. Isa pa rito ay ang “old-and-new” approach kung saan nagtatayo ng mga bagong imprastraktura sa gitna ng mga lumang gusali upang mabigyang buhay ang mga lumang gusali. Isa pang approach ay mula kanila Peter Roberts at Hugh Sykes, na tinatawag na urban regeneration, o isang community response upang solusyonan ang banta ng urban degeneration – pagkabulok ng lungsod. 

 

b. Sa tingin mo ba magagamit (applicable) ang Culture-Oriented Economic Development ni Van der Borg at Russo (2005) sa mga bansang bahagi ng Global South?

          Ang Culture-Oriented Economic Development ni Van der Borg at Russo ay ipinapakita na sa pagkakaroon ng isang komunidad na layunin na mapaunlad ang kanilang kultura, magreresulta ito sa pagkaunlad ng kanilang ekonomiya. Ang halimbawa nito ay ang lungsod ng Vigan, Ilocos Sur, pinagkumpara ang lungsod ng Vigan at Escolta at makikita dito na mas nagtagumpay ang Vigan sa pagpreserba ng kanilang kamanahang kultural at umunlad din ang kanilang ekonomiya. Sa pagkakaroon ng maraming organisasyon at pakikilahok ng mga mamamayan na sumuporta sa pagpapaunlad ng kanilang kamanahang kultural ay siya ring pagkaunlad ng kanilang ekonomiya. Ang COED na iprinesenta nina Van der Borg at Russo ay maaaring magamit ng mga bansang bahagi ng Global South, karamihan sa mga bansang kabilang dito ay tinatawag na third-world countries o mga developing countries kung kaya’t magandang magamit ang ideyang ito. Bukod pa rito ay puno ang mga bansang ito ng mga kamanahang kultural, ngunit hindi lang ito napapahalagahan ng maayos. Maaari pang umunlad ang mga bansang ito sa pagkakaroon ng Culture-Oriented na mga mamamayan at pagtatayo pa ng mga organisasyong sumusuporta sa kani-kanilang kultura.