A. Ang kaso sa pagitan ng Army Navy Club of Manila (ANC) at Court of Appeals (COA) ay inihain at pinagtibay ang pagpapaalis sa lupa ng ANC kasabay na dito ang pagtanggi sa kanilang petisyon. Ito ay dahil sa hindi nila pag sunod sa kanilang mga obligasyong kontraktwal sa kasunduan sa pag-upa o pag-renta na kanilang sinang-ayunan na mag bayad ng P250,000 na may kasamang 10% na pagtaas kada taon bilang upa, at ang pagbabayad ng buwis o amilyar, mula pa noong Enero 1983. Dagdag pa rito, ang respondent ng kaso - ang lungsod ng Maynila, ay nagsampa ng pagpapaalis ng petitioner, ang ANC, na kinalaunan ay inihain sa korte ang argumento na isang historikal na lugar ang lupa kung saan nakatayo ang ANC, at masasabing isang landmark - kung kaya’t hindi dapat sila paalisin mula dito. Subalit ang kanilang argumento ay binalewala rin dahil ang kanilang pahayag ay hindi nagbibigay sa kanila ng karapatan sa pag-aari ng lupa.
B. Ako ay sumasangayon sa naging desisyon ng korte na paalisin ang ANC mula sa kanilang lupa dahil hindi nila nagampanan ang kanilang obligasyon sa kasunduan ng pag-upa. Ang kanilang ‘di pagbabayad ay direktang paglabag sa kanilang kasunduan at ayon sa karapatan ng nagpapaupa, ang pagkakaroon ng paglabag sa kasunduan ay nagbibigay ng karapatan sakanila na maipawalang-bisa ang kanilang kontrate (mula sa Article 1654 at 1657 ng Civil Code) kung kaya’t ang argumentong inilatag ng ANC na ang lupain nila ay isang historikal na landmark at hinihiling na sila ay ‘di paalisin - ay wala na rin bisa dahil nga sa kanilang mga kakulangan - walang ding nailatag na papeles o sertipikasyon ang Army Navy Club of Manila na nagpapatibay sa kanilang kaso. Ayon din sa RA 10086, ang NHCP o National Historical Commission of the Philippines lamang ang may karapatan at may hawak sa pagdedeklara ng mga historikal na landmark - hindi pa opisyal na landmark ang lupa ng ANC noon panahon ng kanilang kaso kung kaya't hindi talaga mapagbibigyan ang kanilang petisyon. Kung sumunod ang ANC sa kanilang mga obligasyon at nakapag-bayad ng mga dapat bayaran sa mga panahong sila ay nangungupahan ay maari sanang magkaroon ng konsiderasyon sa kanilang kaso ngunit marami nga silang pagkukulang kung kaya’t tama ang naging desisyon ng korte sa kanilang kaso.