Gawaing asingkrono - pang-indibidwal 11/07/2024

Vasquez_MPH vs. GSIS

Vasquez_MPH vs. GSIS

by Ryza Jane Vasquez -
Number of replies: 0

A. Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit natalo ang petitioner/respondent sa kaso?

Ang dahilan kung bakit natalo ang respondent (GSIS) sa kaso ay magmumula sa iilang punto:

  1. Una na rito ang usapin ng national patrimony. Isa sa mga argumento na inihapag ng GSIS ang termino na national patrimony na may limitadong sinasaklaw (partikular ang likas na yaman; Sec. 2 Art. XII, 1987 Constitution) ngunit ito ay tinunggali ng korte at iginiit na sakop din nito ang kamanahang kultural (cultural heritage) ng sambayanang Pilipino; pinatunayan sa kasong ito ang pagiging isang “living testimonial of Philippine Heritage” ang Manila Hotel na may malaking papel din bilang lunduan ng mga mahahalagang kaganapan/pangyayari na humubog sa kasaysayan ng bansa. 

    1. Ano ang implikasyon nito? Isa sa mga argumento ay ang pagdiin na ang Manila Hotel ay “public good” hindi “private asset” dahil inirerepresenta nito ang “historical significance” ng bansa. 

  2. Kaugnay sa naunang nabanggit, ay ang punto ng privatization. Mababanggit sa depensa ng GSIS ang usapin na “51% shares” lamang ng korporasyon ang ibinebenta at hindi ang lupain o ang gusali mismo. 

    1. Una, papasok dito ang usapin ng “state action” na nangangahulugang kailangan nito sumailalim sa prerekrisito at pangangasiwa ng konstitusyon at ng estado dahil una isang “governmental agency/entity” ang GSIS at kailangang tiyakin na ang prosesong isinasagawa nito ay nagsisilbi sa pampublikong interes.  

    2. Hindi sinuhayan ng korte ang argumento ng GSIS tungkol dito dahil ang “shares” mismo ay hindi maihihiwalay sa usapin ng lupa at gusali; ito na mismo ang nagpapadulas upang magkaroon ng kontrol lalo na ang mga pribadong korporasyon dito tulad ng Renong Berhad, na isang pandayuhang korporasyon. Sa kagyat, ang pagsalin ng “shares” ay siyang paglalaan na rin ng kontrol sa lupa at gusali na maaaring humantong din sa “transaction of national patrimony”

    3. Sakop din ng National economy ang bahagdan at porsyentong bahagi na 51% na ibinebenta ng GSIS (Art XII, Sec 10 1987 Constitution)  

  3. Bidding 

    1. Isa sa mababanggit ng argumento ng Manila Hotel (na sinuhayan ng korte) ay ang Filipino First Policy (Art XII, Sec 10 1987 Constitution) na siyang pagbibigay preperensya sa Manila Hotel na may kakayanang pantayan ang “bid offer” ng Renong Berhad. Hindi rin rasyunal ang “prematurity” na binanggit ng GSIS dahil isa sa mga patakaran ng “bidding process” ay ang pagsaklaw nito sa pagsasailalim sa negosasyon bago magdeklara kung sino ang magwawagi. 

B. Sumasang-ayon ka ba sa desisyon ng korte? Ipaliwanag ang iyong tindig mula sa perspektiba at interes ng kamanahang kultural.

Opo, dahil naigiit sa kasong ito ang pagprotekta sa “national heritage” ng bansa na siyang sumasakop din sa “national economy” at “patrimony” na pagmamay-ari dapat ng sambayanang Pilipino kalakip na rin dito ang pagprotekta sa karapatan at pribilehiyo ayon sa interes ng taumbayan. Nadiinan din ang aplikasyon at papel ng konstitusyon ang pagdepensa nito sa mga lokal na pag-aari o “public good” at ang mismong kultura natin mula sa panghihimasok ng mga dayuhang korporasyon at privatization na maaaring humantong pa sa mas malala pang implikasyon tulad ng deregulation, proffited agenda, at neoliberal na mga polisiya na siyang magsasakdal din sa mga Pilipino na siyang dapat nakakakuha ng benepisyo mula rito.