Gawaing asingkrono - pang-indibidwal 11/07/2024

Bejarin_MPH VS GSIS

Bejarin_MPH VS GSIS

by Naomi Jewelle Bejarin -
Number of replies: 0

A. Inilatag ng MPH na sa batayang nabibilang sa pagkilalang national patrimony ang Manila Hotel. Dagdag pa na ang kinikita nito ay may krusyal na ambag sa national economy bilang mayorya ng shares ng Manila Hotel Corporation ay pinagmamayarian ng GSIS (isang governement owned and controlled corporation. Ito ang mga pang-suportang argumento sa prinsipal na pangagatwirang naka-angkla sa Filipino First Policy o Artikulo XII, Sec. 10 par. 2 ng Konstitusyong 1987. 



Bagama’t tutunggaliin ito ng mga respondents, ang desisyon ng korte ay pumipirmis na ang Manila Hotel ay integral sa kultura’t kasaysayan ng mga Pilipino. Sa ganong diwa, hindi ba’t mas mainam na mapunta ang winning bid sa kapwa Pilipinong may sapat na kwalipikasyon para pangalagaan ang natatahas na kamanahang kultural kaysa sa dayuhang korporasyong wala na mang natataling sentimyento rito kundi paglago ng kapital? Puna din ng korte na ang mga batas ng konstitusyon ay nagmimistulang gabay para sa mga kasunduang nabubuo sa pagitang ng dalawang pangkat. Hindi man nito lantarang binabanggit sa bawat artikulo ang mga katagang “self-executing”, mananatiling ganito ang kanilang lagay lalo na sa mga panahong ligalig. 



B. Sumasang-ayon ako sa desisyon. Hindi maikakaila ang naging papel ng Manila Hotel sa panahong musmos pa lamang ang Republika ng Pilipinas. Tumindig ito sa mga bisita bilang paunang bungad sa karalangan ng bansa. Bukod sa simbolong bitbit nitong nagdaan, mahalaga ring ituring bilang buhay na saliksik na pwedeng pag-kuhanan ng suri at pagmulan ng diskurso ukol sa diplomasya at/ o komentaryo sa lokal na pamahalaan.