A. Ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit natalo ang petitioner/respondent sa kaso?
Ang Knights of Rizal, na nagpetisyon ay natalo sa kasong ito sa kadahilanang walang batas na ipinagbabawal ang pagtayo ng Torre de Manila. Ayon sa National Historical Commission of the Philippines, ang lupang pagtatayuan ng Torre de Manila ay nasa labas na ng Rizal Park na isang historical site at hindi na ito sakop ng NHCP. Wala ring batas na nagsasaad ng pagbabawal ng pagpapatayo ng isang gusali sa kadahilanang naapektuhan nito ang tanawin ng Rizal Monument. Isang argumentong inilatag ng KOR na ang Rizal Monument na itinuturing na isang National Treasure ay mabigyan proteksyon ng batas laban sa mga kalamidad o mga pangyayaring maaaring magdulot ng panganib ayon sa RA 10066, ngunit napatunayan na ang pagtayo ng Torre de Manila ay hindi direktang magbibigay panganib sa Rizal Monument. Gayundin, ang DMCI ay mayroong mga wastong permits, licenses, clearances, at certificates sa pagtayo ng gusali, ang KOR ay hindi rin nakapag presenta ng sapat na ebidensya na hindi sumunod sa batas ang DMCI sa pagpapatayo nitong Torre de Manila.
B. Sumasang-ayon ka ba sa desisyon ng korte? Ipaliwanag ang iyong tindig mula sa perspektiba at interes ng kamanahang kultural.
Kung titignan ito sa perspektibo na nakabatay sa batas, totoo nga naman na walang batas na nagdeklara sa pagbabawal ng pagpapatayo ng mga gusali na makakaapekto sa tanawin ng Rizal Monument o ng iba pang mga historical sites. Ngunit may mga inilabag din ang DMCI, noong ika-5 ng Enero, 2015 ay naglabas ang NCCA ay ng Cease and Desist Order upang ipatigil ang konstruksyon ng Torre de Manila ngunit nakitang hindi ito sinunod ng DMCI. Noong ika-16 ng Hunyo ay naglabas rin ng Temporary Restraining Order ang Supreme Court na pinatigil ang pagpapatayo ng gusali at nung Agosto 2015 ay tumawag si Solicitor General Florin Hilbay sa Supreme Court na ipagiba ang gusali dahil sa pag madaling gawin ito ngunit sa maling paraan. Sa kabila ng mga pangyayaring ito ay natuloy pa rin ang pagpapatayo ng Torre de Manila.
Kung titingnan din ito sa perspektibo ng pagpapahalaga ng mga kamanahang kultural, sa pagpatuloy na pagtayo ng Torre de Manila ay hindi binibigyang respeto ang National Monument na ito. Ayon sa Guidelines on Monuments Honoring National Heroes, Illustrious Filipinos and Other Personages ang mga monumento ay dapat bigyang katanyagan. Upang mabigyang katanyagan ang monumentong ito ay may mga kailangan sundin, isa na rito ang “Keep vista points and visual corridors to monuments clear for unobstructed viewing appreciation and photographic opportunities;” na nilabag ng DMCI sa pagpapatayo ng Torre de Manila na nakakaapekto sa tanawin. Ang Torre de Manila ay nang-aagaw pansin kung titingnan mula sa Rizal Park, sa halip na nakapokus ang atensyon sa Rizal Monument ay mapapansin mo pa ang gusaling nasa likod nito.