Gawaing Asingkrono Okt 01, 2024

BARTOLOME

BARTOLOME

by Cristine Joy Bartolome -
Number of replies: 0

Question 1:

Ang suliranin sa pananaliksik ay kinakailangan na taglayin ang ilang mahahalagang katangian upang matiyak ang pagiging epektibo nito. Una, ito ay dapat may kaugnayan sa paksa at tema ng pag-aaral. Ito dapat ay tumutugon sa mga makabuluhang isyu sa napiling larangan. Pangalawa, ito ay dapat nababagay sa saklaw ng pananaliksik—hindi masyadong malawak o masyadong maikli, at naaayon sa limitasyon ng oras at mga mapagkukunan na impormasyon ng mananaliksik. Mahalaga rin na ang tanong na ito ay tiyak o specific upang sila’y masukat at masiyasat nang maayos. Bukod dito, ang suliranin ay dapat na maliwanag at payak upang madaling maunawaan ng mga mambabasa ang layunin at direksyon ng pag-aaral. Ang suliranin ay kailangang kawili-wili at nagdudulot ng interes mula sa mga mambabasa, dahil ito ay isang lehitimong tanong na dapat masagot ng pananaliksik. Higit sa lahat, ang suliranin ay dapat nasasagot gamit ang mga datos at tamang metodolohiya o pamamaraan ng pananaliksik. Sa pagbuo ng isang mabisang suliranin, magsimula sa isang malawak na paksa, pagkatapos ay limitahan ito sa pamamagitan ng mga tanong na "paano" at "bakit" upang makabuo ng isang tiyak at nasusukat na katanungan. Dapat lamang na ito ay maaaring masagot sa loob ng saklaw ng pag-aaral.


Question 3:

Unli Samgyup, Unli Wings: Ang Paglaganap ng Unli-Food Buffet sa Pilipinas at ang Kaugnayan Nito sa Kultura ng Kainan ng mga Pilipino

Research Question

Paano naiimpluwensyahan ng mga Unli-Food Buffets, tulad ng Unli Samgyup at Unli Wings, ang kultura ng kainan ng mga Pilipino, at paano ito naiiba o nakakakonekta sa tradisyunal na panlasang Pinoy?

Research Design:

Gagamit ng mixed-method research design ang pag-aaral upang makuha ang parehong datos na quantitative at qualitative. Sa pamamagitan ng isang survey, susuriin ang mga kaugalian ng mga Pilipinong regular na kumakain sa mga Unli-Food Buffets upang malaman kung bakit sila naaakit, pinipili ng tumatangkilik, at kung gaano ito kasikat sa madla. Ang mga likert scale ay gagamitin para makuha ang datos tungkol sa kanilang dalas ng pagkain sa mga buffet, karanasan ng mga kustomer, at ang mga dahilan sa likod ng kanilang pagpili ng Unli-Food Buffets.

Para sa mas malalim na pagsusuri, magsasagawa ng mga panayam ang mananaliksik sa mga may-ari ng restaurant, mga chef, at mga dalubhasa sa kultura. Tatalakayin ang kanilang mga pananaw tungkol sa pagbabago ng trend sa pagkain, gaya na lamang sa pagtangkilik ng madla sa Unli-Food Buffets, at kung paano ito nakakaapekto sa tradisyunal na kultura ng kainan ng mga Pilipino. Layunin nitong maintindihan kung paano tinatanggap ng industriya at ng mga kustomer ang mga buffet sa konteksto ng kasalukuyang kultura ng pagkaing Pilipino.

Mapapakita sa ganitong estratehiya ang paggamit ng dalawang disenyo upang mas maipakita ang kahalagahan sa magkaibang perspiktibo. Analisahin ang datos sa pamamaraan ng weighted mean mula sa likert scale at iaangkla ang mga tema mula sa themalic analysis sa padedecode ng bawat kasagutan na nakabatay sa suliranin at layunin ng pag-aaral.

Mula sa Tradisyon Tungo sa Pagpapahayag: Pag-unawa sa Liturhikal at Kultural na Dimensyon ng Pista ni San Roque sa Lungsod ng Valenzuela. 

Research Question

Paano nagsasama ang mga liturhikal at kultural na aspeto ng San Roque Fiesta sa Valenzuela, at paano nito naipapahayag ang pagkakakilanlan at pananampalataya ng komunidad?

Research Design:

Upang masagot ang tanong, gagamit ang pananaliksik ng qualitative ethnographic research design. Unang hakbang ang pag-obserba sa mga dumadalo ng nasabing pistahan, kung saan makikibahagi ang mananaliksik sa pagdiriwang ng San Roque Fiesta. Obserbahan ang mga liturhikal na ritwal tulad ng misa at prusisyon, pati na rin ang mga kultural na aktibidad—gaya ng Sayawan Sa Calle kung saan nagdadala ng pag-ibig sa mga walang asawa. Ido-dokumento ng mananaliksik ang mga kaganapan sa pamamagitan ng video recording at field notes upang makuha ang kabuuang konteksto ng pagdiriwang.

Susunod ay ang in-depth interviews, kung saan magkakaroon ng malalim na panayam sa mga residente, organizers, at mga pari na aktibong kalahok sa pista. Hahanapin at aalamin ang kanilang mga pananaw, karanasan, at nakasanayan tungkol sa kahalagahan ng kapistahan, lalo na sa ugnayan ng liturhiya at mga kultural na aktibidad.

Bilang karagdagang datos, gagamitin din ang archival research ang mananaliksik upang suriin ang kasaysayan ng San Roque Fiesta. Susuriin nito ang mga lumang dokumento, artikulo, at salaysay upang makita ang mga pagbabago o pagpapatuloy ng mga tradisyon. Ang ganitong malawak, ngunit nananatiling payak, na pag-aaral ay makakatulong sa pag-unawa kung paano nagbago o nanatiling buhay ang isang pista sa loob ng maraming taon.