-
Ano-ano ang mga katangian ng isang suliranin sa pananaliksik? Paano sumulat at bumuo ng mabisang suliranin sa pananaliksik?
Ayon kay Steve Campitelli, ang mga katangian ng isang suliranin sa pananaliksik ay una, dapat may kaugnayan ito sa paksa (relevant), kayang pangasiwaan at maisakatuparan sa loob ng saklaw at limitasyon ng pananaliksik (manageable), tiyak at nasusukat ang datos (specific), malinaw at agad na makukuha ng mga mambabasa ang layunin o tinatahak ng pananaliksik (clear and simple), nakapupukaw ng interes ng mambabasa at mag-aambag ng mahalaga at bagong kaalaman kung masasagot ang tanong o suliranin (interesting), isa talagang tanong na hinugot mula sa paksang nais talakayin at hindi isang direktang pahayag (it should be a question and not a statement), at higit sa lahat ay nasasagot o kayang sagutin sa pamamagitan ng pananaliksik (answerable).
Sa pagbuo naman ng isang mabisang suliranin sa pananaliksik, dapat maghanap o tukuyin muna ang larangan ng interes. Sunod ay kumalap at magbasa ng mga nailathala nang datos at literatura tungkol sa paksa o larangang ito. Mapapaliit ang saklaw ng paksa sa pagtatanong ng “bakit” at “paano” tungkol sa mga nakalap na datos. At panghuli ay maaari na itong maging tiyak sa pamamagitan ng pagpunto o paghahanap ng iba’t ibang salik o perspektib na maaaring umikot sa paksang napili. Isa pang payo ni Campitelli ay gawing open-ended ang tanong upang hindi lang ito simpleng masasagot ng numero, at “oo” o “hindi”. Bukod dito, kailangan ding isipin o bigyang konsiderasyon ang ideya ng nais na saliksikin, ang pagkalap ng higit pang datos bukod sa mga nailathala na, at kung mahalaga at may maiaambag ba ang pananaliksik sa larangan at sa akademya.
-
Batay sa natutunan mo sa #1 at #2, magbalangkas ka ng dalawang paksa na may malinaw na paglalahad ng suliranin. Talakayin mo sa paksa ang research design na angkop sa napiling paksa. Kailangan magkaiba ang research design ng dalawang paksa. Talakayin sa loob ng 20 pangungusap (max) bawat paksang napili.
-
Paksa: Long-running Filipino TV Sitcom (GMA), Pepito Manaloto (2010-Present)
Suliranin: Bilang isang serye na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan sa loob ng 14 na taon, ano-ano ang naging ebolusyon ng seryeng ito sa aspetong teknikal at biswal, at pagkukwento sa pamamagitan ng mga tauhan?
Research design: Kwalitatibong disenyo ang nararapat ng gamitin sa pagtatalakay ng paksang ito dahil kailangan nitong maging deskriptiv sa pag-aanalisa ng mga biswal na aspeto ng palabas at pagtatasa sa mga specific tropes na ginamit sa pagkukuwento. Maaari ring mag-interbiyu ng mga manonood upang makuha ang kanilang tingin o naobserbahang mga pagbabago sa serye.