Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

KTnatics_PASCUAL

KTnatics_PASCUAL

by Andrei Timothy Pascual -
Number of replies: 0

3. Makatutulong ba ang cultural mapping kung may sigalot o tensyon sa pagitan ng dalawang komunidad o bansa?

Batay sa nakalap na impormasyon sa ikatlong kabanata ng “A Contemporary Guide to Cultural Mapping: An ASEAN-Australia Perspective, maaaring bigyang resolusyon ng cultural mapping ang instansiya ng sigalot at tensyon sa pagitan ng dalawang komunidad. Binigyang depinisyon ang cultural mapping bilang isang instrumento na ginagamit ng isang komunidad upang kilalanin at i-dokumento ang mga yamang kultural ng isang lokalidad: maaring nasasalat o ‘di-nasasalat. Bunga ng pagsasagawa nito, nagkakaroon ng pagtaas ng kamalayan ukol sa iba’t ibang grupong kultural na nagbibigay daan sa pag-usbong ng cultural pluralism—pananatili ng kultural na representasyon ng identidad ng isang komunidad na sentral sa pagpapabuti ng kaunawaan at komunikasyon sa pagitan ng mga komunidad na may magkakaibang kulturang kinagisnan. Dagdag pa rito, dahil sa aspetong heograpikal ng pagmamapa ng kultura, mas napapadali ang usapin ng teritoryo’t mga kalakip nitong kagamitang tradisyonal tungo sa pagsasakatuparan ng mga batas na nagsusulong na magbigay proteksyon sa nasabing lupain. Isang halimbawa ng instansiyang ito ay isang pag-aaral na isinagawa ni Sherpa (2006) sa mga beyuls—mga sagradong lambak na matatagpuan sa himalayas. Sa sulatin, ibinahagi ang mahalagang papel ng cultural mapping sa pagsasagawa ng mga aksyong nagsusulong na protektahan ito mula sa implikasyon ng globalisasyon at laganap na grupong kultural.


Reference/s:

Sherpa, L. (2008). Beyul Khumbu: the Sherpa and Sagarmatha (Mount Everest) National Park and Buffer Zone, Nepal. Protected Landscapes and Cultural and Spiritual Values. https://www.researchgate.net/publication/280533595_Beyul_Khumbu_The_Sherpa_and_Sagarmatha_Mount_Everest_National_Park_and_Buffer_Zone_Nepal