Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

Four Sisters and a Wedding_VASQUEZ

Four Sisters and a Wedding_VASQUEZ

by Ryza Jane Vasquez -
Number of replies: 0

Bakit mahalaga ang cultural mapping?

  • Isa sa kahalagahan ng cultural mapping ay sistematikong pagtukoy nito at pagdokumento sa mga iba’t ibang pamanang kultural.

  • Dahil din sa porma ng proseso nito nasa anyong “participatory” o “community-based”, mas nagiging inklusibo ang paglahok ng mga miyembro ng lipunan, masulit ang kanilang lokal na kaalaman nila sa kanilang kultura at nang sa gayon ay maigiit ang kawastuhan ng representasyon na siyang magbibigay rin ng malalim at wastong pagkakaunawa sa mga cultural assets at pagpapadulas sa proseso ng mismong mapping.

  • Natutukoy din nito ang iba’t ibang aspeto/resources na bumubuo sa kultura at ang kalakip na kahalagahan (value) nito sa pagbubuklod ng pagkakakilanlan ng isang komunidad na siyang magbibigay daan upang pagtuonan ng pansin ang mga hakbang sa pagprotekta/preserba at pagtataguyod dito, hindi lang para sa ikauunlad ng kultura, ngunit pati na rin ang pag-uugnay at pagpapaunlad nito sa mga panglipunan, pangekonomiya, at pampolitikang salik. Sinasalamin din ng praktikal na kagamitan ang kahalagahan nito lalo na kung may umuusbong na isyu o tunggalian — isa na rito ang pagtukoy at pagbibigay linaw sa pagmamay-ari ng iba’t ibang cultural resources. 

  • Panghuli, dahil sa mga naunang mga hakbangin ng pagtukoy, pagtatala at pagpreserba, ay mas naituturo, naipapasa ang mga cultural assets sa mga sumunod pang henerasyon at sa ibayo ng mga hangganan na siyang sasalamin sa dibersidad at interconnectedness ng kultura.