Gawaing Asingkrono Okt 01, 2024

LAGGUI

Re: LAGGUI

by Kristiana Cyra Laggui -
Number of replies: 0
(Pasensya po, hindi ko napansin agad na nabitin pala ang pag-copypaste ko mula sa docs)

2. Paksa: Epekto ng pagdaraos ng Museums and Galleries Month sa bilang ng mga bumibisita sa mga institusyong kultural sa Manila
Suliranin: Ang buwan ng Oktubre ay kinikilalang Museums and Galleries Month at iba’t ibang institusyong kultural ay naghahanda ng mga pakulo, aktibidad, o exhibits upang anyayahan ang mga tao na bumisita at ma-promote ang kahalagahan ng mga museo at galleries sa pagtataguyod ng cultural heritage. Sa isang buong taon o nagdaang buwan bago mag-Museums and Galleries Month, may pagkakaiba kaya ang bilang ng mga museum visits kumpara sa buwan na idinaraos ito? Ano-anong klase ng mga aktibidad ang idinaraos ng mga institusyong kultural at nakakatulong ba ito sa promosyon at pag-anyaya ng mga bisita?
Research Design: Maaaring gamitan ng mixed methods ang paksang ito dahil para sa kwantitatibong aspeto ay nais nitong ikumpara kung may pagkakaiba sa bilang ng average museum visits sa mga ordinaryong buwan at tuwing Museums and Galleries Month sa mga institusyong kultural sa Manila. Sa kwalitatibong aspeto naman ay maiimbestigahan nito sa pamamagitan ng panayam o sarbey sa mga ordinaryong mamamayan at sa institusyong kultural kung may epekto nga ba ang pag-anunsyo sa Museums and Galleries Month—masasabing kinikilala ba ito, at epektibo nga ba ang pag promote ng mga aktibidad upang anyayahan ang publiko.