Gawaing Asingkrono Okt 01, 2024

TOLENTINO

TOLENTINO

by Rondale Ashton Phil Tolentino -
Number of replies: 0

1.)

Ang suliranin sa pananaliksik ay sinasabing pinakamahalagang bahagi dahil dito nakabase ang buong nilalaman ng pag-aaral. Kadalasan ito ay nasa anyo ng mga katanungan at may mga katangian ito upang maging sapat na tanong. Dapat ito ay tumatalakay sa isang laganap na suliranin na kayang saklawin at sukatin ng mananaliksik. Ito rin ay malinaw at kawili-wili para sa interes ng mga mambabasa. Huli, ito ay tanong na talagang kayang masagot ng mananaliksik sa huli ng kanilang pag-aaral.

Nagsisimula ang pagbuo ng mabisang suliranin sa pagpili ng isang malawak na paksa ng interes. Susunod ay susuriin ang mga pananaliksik na mayroon na ukol sa paksang ito. Pagkatapos makahanap ng mga datos, ipalalim ang saklaw ng paksa sa mas partikular na bahagi nito. Kapag umabot ito sa saklaw na kayang sukatin ng mananaliksik ay may tiyak na suliranin sa pananaliksik.

 

3.) 

a.) Paksa: Pagsusuri sa Pananaw at Karanasan ng mga Turista sa mga Kaganapan ng Liliw Tsinelas Festival

 

Ang paksang ito ay gumagamit ng kwalitatibong disenyo ng pananaliksik na may deskriptibong diskarte. Tatalakayin nito ang mga dinanas ng mga turistang nais makisama sa pagdiriwang ng Tsinelas Festival sa bayan ng Liliw. Isa ito sa mga pinakamahalagang pinagmumulan ng kita sa bayan at maaari itong gawin gabay na aral upang tukuyin ang mga mabubuti at/o mga hindi magandang aspeto ng mga aktibidad nito. Ang mga respondente nito ay bibigyan ng panayam tungkol sa kanilang karanasan, at bawat opinyon at tugon nila ay itatala sa pag-aaral, kapag sumang-ayon sila sa pakikipaglahok.

 

b.) Paksa: Pagsusuri sa Epekto ng Liliw Tsinelas Festival sa Kalagayan ng mga Taong-bayan

 

Itong paksa naman ay gumagamit ng kwantitatibong disenyo ng pananaliksik dahil may mga istatistika na masasangkot dito. Tatalakayin naman ito ang mga karanasan sa mga lokal na sambayanan, kung ano ang kanilang reaksyon tungo sa pagkakaroon ng Tsinelas Festival taon-taon sa pamamagitan ng sarbey. Ang aral na ito ay gagamit ng 5-point Likert scale na talatanungan, kung saan sasagot sila mula 1 hanggang 5 tungkol sa kanilang kalagayan pagkatapos ipagdiriwang ang fiesta. Ito ay maaaring aspeto ng pisikalidad, soyalidad, ekonomikal, atbp. Maaari rin itong gawing gabay na aral kung ano ang puwedeng ipabuti sa pagpapaayos ng Tsinelas Festival na mas makakatulong sa lokal na tao.