Gawaing Asingkrono Okt 01, 2024

CRISTOBAL

CRISTOBAL

by John Paul Cristobal -
Number of replies: 0
  1. Ayon kay Campitelli (2018), ang isang suliranin sa pananaliksik ay may kaugnayan sa isyu na nais paksain ng mananaliksik. Ang saklaw o hangganan ng isang suliranin sa pananaliksik ay dapat tiyak at malinaw. Hindi ito paligoy-ligoy nang sa ganon ay masagot ito ng mananaliksik sa tamang panahon at malinaw din na maiparating sa mga mambabasa ang pokus nito. Interesante rin dapat ito sa paraan na mahuhuli nito ang mambabasa na basahin nang buo ang pananaliksik. At dagdag pa rito, ang porma nito ay isang patanong o interrogative na nangangailangan ng sagot at hindi pahayag o declarative

Nagsisimula ang pagsusulat ng suliranin sa pananaliksik sapamamagitan nang patukoy sa isang malawak na isyu na nais pagtuonan ng pansin. At upang maging mabisa ang pagbuo nito, kailangan na gawin itong mas tiyak. Sa pagbuo ng isang tiyak na suliranin sa pananaliksik, kailangan suriin kung ano na ang kalagayan o status quo ng isyu mula sa mga pag-aaral na naisagawa na ng ibang mga mananaliksik. Kailangan din isaalang-alang na ang katanungan na mabubuo ay open-ended o katanungan na hindi lamang nasasagot ng simpleng “Oo” o “Hindi”.

 

3. 

A. Ang mga Kaugalian ng Kaliddegenyo sa Kultura ng Pagluluwalo at Paano ito Nagbibigkis ng Komunidad

Ang pagluluwalo ay isang ritwal na ginagawa ng mga Ilokano bilang paggunita sa kanilang mga mahal sa buhay na yumao na. Sa komunidad ng Kaliddigan sa Lungsod ng Santiago, ang tradisyong ito ay buhay na buhay pa rin. Karaniwan ay nagsasagwa sila ng isang panalangin at pag-aalay na kung tawagin ay “pag-aatang”.

Gayunpaman, iilang pag-aaral pa lamang ang naisagawa tungkol dito. Sa pag-aaral na Corpuz (2020) na pinamagatang Death and Food Offering: The Ilocano 'Atang' Ritual from a Contextual Theology, naging resulta ng pag-aaral na ang ritwal ng pag-aatang ay mahalaga upang ipaliwanag ang pananampalataya ng mga Ilokano sa doktrina ng pakikipag-isa ng mga santo. May ilang mga reputable na medya na rin ang tumalakay sa kulturang ito tulad ng GMA na binanggit ang kulturang ito tuwing Undas. 

Wala pang pag-aaral na naisagawa tungkol sa kahalagahan ng “pagluluwalo” bilang isang tradisyon ng mga Ilokano sa pagpapatibay ng kanilang mga relasyon. Kung kaya’t nais tukuyin ng pag-aaral na ito kung ano-ano ang mga kaugalian ng Kaliddegenyo sa kultura ng pagluluwalo at paano ito nagbibigkis ng komunidad. 

Kwalitatibong ethonographic na disenyo ng pag-aaral ang gagamitin sa pananaliksik. Sa pagtukoy ng mga kaugalian ng Kaliddegenyo sa kultura ng pagluluwalo, ang mananaliksik ay isang ‘participant’ kung kaya’t siya ay kabilang sa ritwal na gagawin. Tutuklasin kung paano isinasagawa ang ritwal, bago, habang, at pagkatapos. Gagamit din ang pag-aaral ng interbyu bilang instrumento ng pananaliksik upang masuri kung paano ang mga kaugaliang ito ay nagbibigkis sa kanila. Purposive sampling naman ang gagamitin upang matukoy kung sino ang makakapanayam. Ang mga repondente ay dapat may 10 taon na na karanasan sa pagluluwalo.

 

B. Ang Bisa ng mga Istratehiya ng mga Santiaguenos sa Pagtitinda ng Patupat

Ang patupat ay isang kilalang putahe ng mga taga-Santiago. Isa itong uri ng suman na iniluluto sa asukal at binabalutan ng nakahabing dahon ng niyog. Sa Lungsod ng Santiago sa Isabela, ilang mga na residente na rito ang nagtayo ng negosyo sa pagtitinda ng patupat. Naging kabuhayan na nila ito at nakatulong na rin sa turismo ng lungsod. 

Ngunit katulad sa paksa sa itaas, iilang pag-aaral pa lang din ang isinagawa rito. Isa rito ang pag-aaral ni Canete (2017) na pinamagatang Value Adding Activities of Sugarcane in Banawag Norte, Santiago City as an Alternative Livelihood by Upland Farmers: A Case Study. Resulta ng pag-aaral na ito kung paano kumikita ang mga suplayer sa paggawa ng patupat sa pamamagitan ng pagkompyut ng kanilang ROI o Return of Investment.

Kung kaya’t nais suriin ng pag-aaral na ito kung mabisa ba ang kanilang mga istratehiya na gingamit sa pagtitinda ng patupat— mula sa paggawa nito hanggang sa pag-promote ng produkto. Aalamin dito kung gaano kalaki ang kinikita ng mga may-ari ng negosyo bilang parametro o sukat ng bisa ng kanilang mga istratehiya.

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng kwantitatibong disenyo ng pananaliksik. Susuriin dito ang ‘Financial Performance Data’ ng negosyo sa nakalipas na dalawang taon. Tutukuyin dito ang mga istratehiyang ginamit at dadaan ang mga ito sa proseso ng pag-e-evaluate gamit ang Strategy Evaluation ni Rumelt. Likert scale ang gagamitin kung ang mga tukoy istratehiya bang ginamit nila ay “Palagi”, “Minsan”, o “Hindi” nila ginagawa. Pagkatapos nito ay aalamin kung gaano kalaki ang kinita ng mga negosyante sa pamamagitan ng pagkompyut sa kanilang cash flow. Susurin ngayon, kung ano-ano ang mga istratehiya ang kanilang ginamit nagdulot ng mataas o mababa nilang kita.