Ang kumpletong pagbabago ng kahulugan ng kanta ay nagulat ako at ako ay natuwa nang makita ang isang orihinal na konsepto na nagsasalita tungkol sa mga komplikasyon ng pag-ibig.
Maganda ang cinematography dahil sa mga anggulo at maganda rin ang kalidad ng audio. Maayos din ang pagkakasalin ng kanta. Isa ito sa paborito kong salin-awit na napanood. <3
Nagustuhan ko ang konsepto ng bidyo sa awit na kanilang isinalin. Nakapagbigay ito ng emosyong nakahahatak sa kapwa nila estudyante, lalo na't paaralan ang ginamit na pook sa bidyo.
Maayos ang pagkakagawa sa bidyo at ang pagsasalin ng kanta. Maganda rin ang konsepto na pinili dahil talagang ito ay nakakakilig o nakakahatak ng damdamin ng mga manonood.
nakakakilig! mahusay ang pag-edit ng bidyo. gustong-gusto ko ang parteng kumakanta ang bawat miyembro habang nasa likuran ang dalawang bida. maganda rin ang mga kuha sa bawat eksena.