Ang mga isyu ng fabrication at falsification sa larangan ng aming disiplina ay tila litaw rin sa ilang mga pagkakataon. Sa fabrication, isa sa halimbawa ay ang ginawa ni Jose Marco nang imbentuhin at palaganapin ang Code of Kalantiaw at La Loba Negra. Sa falsification, naman ay ang ginawa ng ilang personalidad upang palitawin ang isang pangyayaring pangkasaysayan (halimbawa rito ang manipulated photo ni dating Pangulong Marcos Sr na mukhang pinaparangalan ni General MacArthur). Ang mga ito ay litaw at napag-uusapan naman sa aming mga pangkat. Kaya't kung may isyu man ng fabrication at falsification ay hinaharap ito at sinusubukang resolbahin sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga salarin at pagiging mas kritikal sa mga naililimbag.