Mga Anunsiyo

Abiso sa klase

Abiso sa klase

by Odessa Joson -
Number of replies: 7

Magkakaroon tayo ng klase bukas (04 Pebrero 2025) sa OSA Conference Room (4f Joaquin Gonzalez Building, malapit sa OUR), oras ng klase.

In reply to Odessa Joson

Re: Abiso sa klase

by Odessa Joson -
Magkakaroon ng University Council Meeting bukas (Pebrero 21, 2025, 8:30 nu) sa Kolehiyo ng Narsing. Dahil dito, hindi tayo magkaklase bukas. Bago kayo magbunyi, may nakatakdang gawaing pangkatan sa Forum.
In reply to Odessa Joson

Re: Abiso sa klase

by Odessa Joson -
Sa pagkakaalala ko sa huling onsayt na meeting sinabi kong GAB 206 ang ating klasrum.
In reply to Odessa Joson

Re: Abiso sa klase

by Odessa Joson -
Dahil sa anunsiyo ng lungsod, magkikita tayo sa Zoom bukas.
In reply to Odessa Joson

Re: Abiso sa klase

by Odessa Joson -
Dahil hindi pa rin maakses ang VLE files, hindi matutuloy ang maikling pagsusulit bukas (Abril 08, 2025). Sa halip, mag-antabay sa gawaing asingkrono dito sa VLE.
In reply to Odessa Joson

Re: Abiso sa klase

by Odessa Joson -
Ikinalulungkot kong sabihin na hindi na nagbukas ang gawaing asingkrono noong Martes. Sa gayon, ang gawaing asingkrono ay para sa klase bukas (Biyernes). Pansinin ang deadline ng gawaing pangkatan.
 
Magkikita tayo sa klase pagkatapos ng Reading Break. Maging malusog at ligtas ngayong Semana Santa. 
In reply to Odessa Joson

Re: Abiso sa klase

by Odessa Joson -
Kailangan kong dumalo sa Internal Audit ng Office of Student Affairs sa Biyernes, 9:00-10:00 nu (tingnan ang nakalakip na file). Sa gayon, hindi tayo makakapagklase bukas. Mangyaring gamitin ang oras ng klase para sa pagsasapinal ng Salin-Awit bilang paghahanda sa deadline nito sa Lunes (Abril 28, 2025, 11:00 ng). Nakabukas na rin ang submission bin nito sa VLE. Salamat.
 
In reply to Odessa Joson

Re: Abiso sa klase

by Odessa Joson -
Batay sa hiling, ini-extend ang deadline ng Salin-Awit sa Mayo 02, 2025, 11:00 ng.

Gayundin, matutuloy ang pag-uulat at quiz sa modyu H bukas.