Gawaing Asingkrono - Nobyembre 14, 2024

Chua_Gawaing Asingkrono

Chua_Gawaing Asingkrono

by Rednalyn Joy Chua -
Number of replies: 0

a. Ano-ano ang mga lapit (approach) sa konserbasyon ng kamanahang kultural?


     Ayon sa pag-aaral ni Geoffrey Cruz (2017), kaniyang binigyang diin na mahalaga ang kultura sa isang bansa alinsunod na din sa Sustainable Development Goals 11 noong 2015. Ngunit sa kaso ng Escolta, Manila ito'y nabigong mapreserba dahil karamihan sa mga built heritage o kamanahang kultural nito ay pagmamay-ari ng pribado at hindi pa kinikilalang yaman ng bansa ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP). Kung kaya, may mga ilang mga lapit ang nabanggit para sa konserbasyon ng kamanahang kultural.


     Una na nabanggit ang adaptive re-use ng mga gusali alinsunod sa batas ng Republic Act 10066 o Cultural Heritage Act of 2009 kung saan ikinonsidera ng batas na ito at ng Singapore Legislative Council Secretariat (2008) ang paggamit ng mga built heritage at mga site na may halaga. Ito'y isasaayos upang muling gamitin maliban sa kung saan ito ay orihinal na nilayon subalit kailangan isaalang-alang ang orihinal na itsura at hindi maaaring mawala ang natatangi nitong taglay na nagpapakita ng kasaysayan o pagkakakilanlan ng kamanahang kultural na ito. 


     Pangalawa sa mga lapit ang tinatawag na “old-and-new” approach kung saan pinahihintulutan ang mga bagong pagpapaunlad ng imprastraktura na mahanap sa pagitan ng mga luma at conserved na mga gusali ngunit dapat isaalang-alang ang kaugnayan nito sa mga katabing istraktura.


     Pangatlo naman ang ideya nina Peter Roberts at Hugh Sykes (2000) kung saan may apat na klasipikasyon ang konserbasyon ng mga kamanahang kultural: urban reconstruction, rehabilitation, revitalization, at redevelopment. Ang urban reconstruction ay nagpapahayag ng komprehensibong plano o aksyon upang matugunan ang pagbaba sa mga urban na lugar na may halaga sa ating kamanahang kultural. Habang ang rehabilitation naman ay muling pag-aayos o pagpapabuti ng isang lugar na naglalayong magbigay ng mga solusyon at may layuning magdulot ng pangmatagalang pag-unlad sa aspeto ng ekonomiya, kultura, at kalikasan. Sa revitalization naman makikita ang pagtugon sa mga pagkasira o pagkabulok sa mga kamanahang kultural. At sa huli ang redevelopment na tumutukoy sa pagpapagawa ng isang lugar na maaaring magdudulot ng kita at pag-unlad sa ekonomiya. 


b. Sa tingin mo ba magagamit (applicable) ang Culture-Oriented Economic Development ni Van der Borg at Russo (2005) sa mga bansang bahagi ng Global South? 


     Opo, dahil marami sa mga bansang bahagi ng Global South ay mayaman din sa mga kamanahang kultural. Ang Culture-Oriented Economic Development nina Van der Borg at Russo (2005) ay makakatulong sapagkat ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng mga kultural na sektor at bilang isang paraan, mapapalakas nito ang ekonomiya ng bansa. Maaari ding magkaroon ng pag-unlad sa turismo, sining, at iba pang aspektong kultural. Magiging gabay din ang kanilang framework upang mapanatili ang kanilang kultura kasabay ng kanilang ekonomikong pag-unlad. Ngunit mas magiging makabuluhan ang framework na ito kung magkakaroon ng partisipasyon ang mga mamamayan o mga taong may koneksyon sa kamanahang kultural na ito


     Mapapansin na madalas ang pamahalaan o mga sektor lamang ng kultura ang nagsasagawa ng aksyon sa konserbasyon ng mga kamanahang kultural. Ito ay nagreresulta ng kakulangan ng mas komprehensibong aksyon dahil hindi kasama sa pagpaplano ang mga miyembro ng komunidad na mayroong koneksyon sa mga kamanahang kultural. Sa kabila ng kakulangan ng partisipasyon ng mga taong maaaring mas makapagbibigay ng opinyon ukol sa mga isyu o problema sa mga kamanahang kultural, ang COED ay isang hakbang upang mabigyang-pansin ang ekonomiya. Kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya mapapanatili ang kultura at kasaysayan ng isang komunidad. Ito rin ay maaaring magdulot ng pangmatagalang solusyon at pagpapaunlad ng mga kamanahang kultural.