Gawaing Asingkrono - Nobyembre 14, 2024

Tilos_Gawaing Asingkrono

Tilos_Gawaing Asingkrono

by Marian Rachel Tilos -
Number of replies: 0

a. Isinasaad nga sa papel kung gaano kahalaga ang ating kultura sa pagpapalawak at pagpapalago ng isang komunidad. Kasama na rito ang pagkonserba ng ating mga kamanahang kultura, nasasalat man o hindi. Ang ilan sa mga lapit na binanggit sa pag basa ay ang landscape based approach na kinikilala ang konserbasyon bilang pagbabawas ng mga masamang epekto ng pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagsasama sa urban development at heritage management. Susunod naman ay ang adaptive reuse approach kung saan ay ginagamit o pinakikinabanagan ang mga gusali at mga lugar sa ibang paraan maliban sa orihinal nitong layunin upang makatulong sa pagkonserba ng lugar na ito nang hindi inaalis sa isip o binabago ang orihinal na integridad ng gusali. Nabanggit rin dito ang old-new approach na pinapayagan ang mga bagong pagpapaunlad ng mga imprastraktura upang gumitna sa mga gusaling nakatayo na - sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng regeneration sa lupa o gusali na ginamit dahil sa mga bagong istruktura habang isinaalang-alang pa rin ang mga nakatayo na dito. Kalakip nito, binanggit din ang urban regeneration na makakatulong sa pagkonserba ng kamanahang kultura; isa itong tugon ng komunidad sa mga oportunidad at mga hamon na dala ng urban degeneration. Dagdag pa, ito ay hinati sa apat na tipolohiya: urban reconstruction, rehabilitation, revitalization, at redevelopment. Ang lahat ng ito ay mga komprehensibong mga plano tungo sa konserbasyon ng kamanahang kultural kasama ng iba pang mga proyekto na maaaring mabuo sa tulong ng publiko at pribadong mga pag-uugnay.

 

b. Sa aking palagay ay tunay na magagamit ang Culture-Oriented Economic Development ni Van der Borg at Russo sa mga bansang bahagi ng Global South o mga bansang patuloy pa na umuunlad, tulad ng Pilipinas ngunit upang ito ay maimplimenta ay kinakailangang ito ay mai-bagay o mai-adapt sa lokal na konteksto at mga hamon na mas direktang nakakaapekto sa bansa dahil maaring magkaiba ang mga kultural at konteksto ng mga bansa ng Global South. Kapag ito ay nailagay sa konteksto ay ito ay malaking tulong dahil nakakapagbigay ito ng balangkas na gamitin ang kamanahang kultural bilang isang sandata para sa paglago ng ekonomiya, lipunan, at para sa patuloy na urban revitalization na nabanggit nga kanina. Ngunit kinakailangang matiyak na ang kultural na pag-unlad ay naaayon o nakahanay sa mas malaki pang layunin ng pag-unlad upang tunay na matulungan, maprotektahan, makonserba, at patuloy na mapaganda at mapanatili pa ang kamanahang kultura natin bilang isang komunidad at bilang isang bansa.