A. Ano-ano ang mga lapit (approach) sa konserbasyon ng kamanahang kultural?
Batay sa basahin, mayroong iilang lapit sa konserbasyon ng kamanahang kultural ang nabaggit. Una, ang landscape-based approach ay isa sa mga paraan kung saan maaaring isaalang-alang ang urban reconstruction, rehabilitation, revitalization, at redevelopment. Ikalawa, mayroon ding old-and-new approach na nagbibigay-diin sa paggamit ng adaptive reuse upang mapanatili at palakasin ang kultural na yaman.
Panghuling halimbawa naman ang pagtupad ng conservation program ng Vigan na maaaring magsilbing gabay para sa ibang mga lugar. Ito ay isang programang may apat na hakbang : awareness, appreciation, protection, at utilization ng mga kultural na yaman sa Vigan. Sa pamamagitan ng mga nabanggit na lapit, mahalaga ang pagtutulungan ng lahat upang mapanatili at maipagpatuloy ang kamanahang kultural sa susunod na henerasyon.
B. Sa tingin mo ba magagamit (applicable) ang Culture-Oriented Economic Development (COED) ni Van der Borg at Russo (2005) sa mga bansang bahagi ng global south?
Unang-una, kinakailangan malapag ang kahulugan ng mismong terminong “global south”. Batay sa pananaliksik, ito ay tumutukoy sa mga bansang developing o least developed sa usaping panlipunan at pangekonomiya. Karamihan sa mga ito ay ang mga bansang matatagpuan sa Africa, Asia, at Latin America. Kasali na dito ang Pilipinas.
Batay sa basahin, masasabi kong magagamit ang COED dahil ito ay nagbibigay-diin sa ugnayan ng kultura, ekonomiya, at kapaligiran, na nagreresulta sa isang ikot ng pag-unlad na nagsisimula sa kultura na nagtataguyod ng pag-unlad, at ang pag-unlad naman ay nagpapalakas ng kultura. Isang halimbawa ang matagumpay na pagtupad nito sa Vigan, Ilocos Sur. Dahil dito umunlad ang turismo, na nagdulot ng trabaho at kita para sa mga residente nang hindi nakakasira sa kanilang kamanahang kultural. Gayunpaman, matutupad lang ito kapag mayroong suporta mula sa gobyerno at ng mga mamamayan.