Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

Four Sisters and a Wedding_GARIN

Four Sisters and a Wedding_GARIN

by Shyla Garin -
Number of replies: 0

3. Makatutulong ba ang cultural mapping kung may sigalot o tensyon sa pagitan ng dalawang komunidad o bansa?


  • Oo, makatutulong ang cultural mapping upang magbigay tugon sa tensyon na namamagitan sa dalawang komunidad o bansa. 


Ito ay nagbibigay ng detalyadong impormasyon ng mga umusbong at patuloy na umuusbong na kultura sa bawat komunidad kaya naman magkakaroon ng pantay na kaalaman o konteksto ang bawat bansa. Mula dito, magkakaroon ng solidong batayan ang bawat isa kung paano ipagtatanggol ang kanilang komunidad na kinapapalooban. Magkakaroon ng malinaw na hanayan kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang komunidad sa usapin ng tradisyon. At magkakaroon din sila ng mas malalim na pagkakakilanlan sa isa’t isa. 


Makatutulong ang cultural mapping na sa halip na tensyon ang mabubuo sa dalawang komunidad ay, pagbabahagian na ng praktika o kaalaman at pagtutulungan kung paano pauunlarin ang kultura ng bawat isa.