Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

Four Sisters and a Wedding_BEJARIN

Four Sisters and a Wedding_BEJARIN

by Naomi Jewelle Bejarin -
Number of replies: 0

2. Dahil miyembro tayo ng ASEAN, paano makatutulong ang cultural mapping sa ating identidad at pagkakaisa bilang isang rehiyon?


Ang cultural mapping ay isang komprehensibong pamamaraan sa pagbubuo ng pagkakilanlan ng isang bansa. Higit pa sa natatahas na kultura ang layunin nitong matiyak at subayabayan kaya maliban sa sining at arkitektura, nakakalikom din tayo ng maiging pagpapalalim pa sa napakaraming aspetong umiiral sa ating mga lipunan.

Kalakip ng pagaalam ay pangengwestyon o pagproproblematisa ng mga bagay na tiyak. Dito ngayon papasok ang pagtutukoy ng relasyon sa pagitan ng isa sa isa. Ang magkakaratig na bayan ng ASEAN, maliban sa US, ay minsan o higit isang beses nasadlak sa kolonisasyon kaya masasabing hindi lamang at hindi dapat nakukupot sa usaping turismo ang bahagian ng mga bansang ito. Ibig sabihin, hitik sa potensyal ang binubuong pagkakaisa ng rehiyon. 

 

Mula dito, nakasasabik ang posibilidad ng salimbayan tungong kaunlaran sa kultura, ekonomiya, at sosyo-politikal na usapin. Maaring sa kagyat ay payamanin ang sabayang pagaaral sa mga lokal na likas na yaman at industriya upang sagutin ang pangekonomiyang kapasidad ng mga bansa na sa gayon ay mapapatibay din ng soberanya. Bagamat halimbawa, isa ito sa marami pang posibleng konkretong resulta ng buhay na pagsusuri o aktibong konsiderasyon sa cultural mapping ng mga bansang kabilang sa ASEAN.