Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

Pangkat Slayyy_DALUSONG,SY,TARTADO,TILOS

Pangkat Slayyy_DALUSONG,SY,TARTADO,TILOS

by Marian Rachel Tilos -
Number of replies: 0

DALUSONG, Alexia Nicole M.

SY, Kirsten Tara C.

TARTADO, Allyssa Jane M.

TILOS, Marian Rachel A.

 

GAWAING ASINGKRONO

  1. Bakit mahalaga ang cultural mapping? (SY)

  • Ang cultural mapping ay isang masalimuot na proseso kung saan kinukuha, tinitipon at ibinabahagi ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa partikular na lugar, komunidad, o tao. Ginagawa ito kahit maliit na komunidad man o sa malaking bansa. Sa proseso na ito, isinasama ang nakaraan, kasalukuyan, at ang haharapin na makakatulong sa pagsubaybay ng mga pagbabago sa nasasalat at di-nasasalat na kultura. Marami ang makakapagpaki-pakinabang sa proseso na ito, tulad ng mga mag-aaral, at mga tao o lipunan na kasama sa proyekto dahil nagbibigay ito ng pangkalahatang-ideya at mayamang kultural na datos. Ang pagmamahala ng mga imbentaryo at ang pinansyal na aspekto ng kultura ay nagagawa dahil sa cultural mapping. Ito rin ay nagbibigay ng mga alintuntunin para sa mga patakaran ukol sa proteksyon at pangangalaga sa mga kultura na ito. Gamit ang mga datos na ito, Kaya ring gawan ng paraan ang mga isyu tungkol sa lipunan at pagpapanatili. Naisusulong rin ang cultural diversity, pagkakaintindihan, at pakikipagkapwa ng mga iba't ibang komunidad upang mapahalaga ang kapayapaan at katatagan. (Cook & Taylor, 2013)

 

  1. Dahil miyembro tayo ng ASEAN, paano makatutulong ang cultural mapping sa ating identitdad at pagkakaisa bilang isang rehiyon? (TILOS)

  • Nakatutulong ang cultural mapping dahil ito ay gumaganap ng malaking papel sa pag-hubog ng identidad at pag aalaga ng pagkakaisa ng Pilipinas bilang parte ng ASEAN. Ipinapakita ng cultural mapping ang pagkakaiba at pagiging makulay ng lokal na kultura ng bansa mula sa mga kakaibang mga fiesta at mga kaugalian, sa mga iba’t ibang wika at sining, habang nakikita pa rin ang pagkakapareho ng mga ito sa mga karatig bansa na parte ng ASEAN. Pinapalakas din ng cultural mapping ang palitan ng kultura sa pagitan ng ibang bansang ASEAN sa pamamagitan ng pag sulong ng lokal na cultural practices at ang pag-aaral rin ng ibang kultura. Sa pamamagitan din nito ay nagkakaroon ng mga proyektong collaborative na tinatalakay ang cultural preservation, tourism, at heritage management na mga proyekto. Pinapalakas at pinapanatili rin ng cultural mapping ang pambansang pagkakakilanlan o national identity sa pamamagitan ng pag gawa ng mga biswal at dokumentadong pagkakaintindi sa kung ano ang mga dahilam kung bakit kakaiba ang kultural Pilipino - mula sa mga katutubong kaalaman, tradisyonal na sining o gawain, at lokal na kasaysayan. Ito ay nakadadagdag sa identidad ng mga Pilipino sa konteksto ng ASEAN. 

 

  1. Makatutulong ba ang cultural mapping kung may sigalot o tensyon sa pagitan ng dalawang komunidad? (TARTADO)

  • Ang cultural mapping ay tiyak na makatutulong kung mangyaring may tension sa pagitan ng dalawang komunidad o bansa sapagkat orihinal na tunguhin nito na mapagbuklod-buklod ang mga nabanggit. Sa pamamagitan ng proseso ng cultural mapping, nagiging posible ang mas malalim na pag-unawa sa mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga kultura, na maaaring magsilbing pundasyon ng pagkakaunawaan. Gamit ito, bukas na maipapahayag ang mga natatanging katangian, tradisyon, at kaalaman sa bawat komunidad na magiging susi upang maunawaan ang pinagmulan ng tensyon at ang mga salik na nag-uudyok dito. Bunga nito, mabibigyang-diin ang mga karapatan at interes ng bawat grupo. Halimbawa sa konteksto ng dominasyon ng ilang makapangyarihang bansa, ang cultural mapping ay magsisilbing kasangkapan upang maitaguyod ang pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng komunidad dahil magkakaroon ng pagkakataon ang lahat na ipahayag ang kanilang pananaw. Sa kabuuan, ang cultural mapping ay hindi lamang isang paraan upang maipakita ang kultura kundi isang makabagong estratehiya upang mapabuti ang ugnayan at komunikasyon sa pagitan ng mga komunidad o bansa.

 

 

  1. Paano ipinaliwanag ang aplikasayon ng apat na yugto ng Vigan, Ilocos Sur? (DALUSONG)

Sa paunang proseso, nagkaroon ng pagpapalawak ng kaalaman ukol sa kamanahang kultural at prinsipyo sa pagpreserba nito, pamamaraan sa pagdodokumenta, pamamahala, pag-aalaga, pagdedesimina ng edukasyon ukol dito. Nagkaroon ng mga pagtuturo at workshops sa mga kalahok upang maisakatuparan ito.  

Sa sumunod ay ang paglinang ng kaalamang nakuha sa pamamagitan ng mga gawain na tumatalakay sa mga ideya tulad ng legislasyon ng kultural na pagpreserba at analysasyon at dokumentasyon ng kamanahang kultural. 

Sa pagpapatuloy ay ang aktwal sa pagsasakatuparan ng kanilang nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng pagrerebyu at pagrerebisa ng mahahalagang impormasyon kaugnay sa kamanahang kultural. 

Ang panghuling yugto ay ang pagsasapinal ng mga dokumento matapos ang dalawang buwan na pagtatrabaho sa proseso kung saan ang mga ito ay naipresenta sa UST Museum of Arts and Sciences noong Oktubre 16-30, 2007. 

2. Paano tumutugon ang apat na yugto sa konsepto ng pag-unlad ng bayan? 

Naipakita nito ang masusing pamamaraan sa pag-alam ng tamang impormasyon ukol sa kamanahang kultural. Mas nabigyan nito ng pagpapahalaga ang iba’t ibang kategorya ng kulturang matatagpuan sa Vigan. 

 

Pangkat Slayyy_EKSTRANG PUNTOS

Batay Artikulo 31 United Nation’s Declaration on the Rights of Indigenous Peoples - maari bang masabing paglabag sa karapatan ng IPs ang kaso ng vlogger at ni Apo Whang Od?  

Marami ang nakasaad na karapatan ng mga Indigenous People sa Artikulo 31 ng UN Declaration on the Rights of Indigenous Peoples ngunit nakasaad dito ang karapatan ng mga IP na maimaintain, ma-kontrol, maprotektahan at maidevelop ang kaning kamanahang kultural at mga tradisyunal na gawain. 

Ang kontrobersiya ni Nas Daily at ang pamilya ng isa sa mga pinakasikat na katutubo sa ating bansa galing sa Kalinga Province, na si Apo Whang Od. Nagkaroon ng online na klase ang nasabing vlogger sa pagbabatok at sinasabi na ito ay ginawa niya upang matulungan ang pangkat ni Whang Od dahil sa kawalan ng kita nang magsimula ang pandemya dahil sa malaking bawas nito sa turismo. Ngunit nabanggit na ito nga ay cultural appropriation at sinasabi na onerous ang paglagda para sa klase na ito. Si Nas Daily rin ay nasabi na nag sasagawa ng Filipino-baiting dahil sa iba rin niyang mga proyekto na pinapakita ang iba pang IP sa Pilipinas. Para sa amin, isa ngang promblematiko na isyu ang naganap sa gitna ng Nas Daily at ng pamilya ni Apo Whang Od at masasabi na ito nga ay cultural appropriation at isang ganap na paglabag sa kanilang karapatan dahil ang pagbabatok ay isang kasanayan na pinapasa sa henerasyon sa pamilya at tribo ni Apo Whang Od (Butbut tribe). Ang pagbebenta nito bilang isang klase online ay isang malaking kawalan ng respeto para sa tradisyon at kultura dahil nga sa kahit sino ay pwedeng sumali sa klase na ito, kung kaya’t nababawasan ang tunay na kahulugan at kapangyarihan at authenticity ng kasanayan na ito para sa mga tunay na parte ng Butbut tribe at ng komunidad ng Kalinga.



Mga Sanggunian:

Ian Cook & Ken Taylor. A Contemporary Guide to Cultural Mapping. An ASEANAustralia Perspective Jakarta: ASEAN Secretariat, April 2013. https://asean.org/?static_post=a- contemporary-guide-to-cultural-mapping-an-aseanaustralia-perspective

 Zerrudo, E.B. The Cultural Mapping Project of the Heritage City of Vigan Towards building a Framework for Heritage Conservation and Sustainable Development. 3rd International Memory of the World Conference. Australia. Feb. 19-22, 2008. http://www.unesco.org/new/fileadmin/MULTIMEDIA/HQ/CI/CI/pdf/mow/mow_3rd_international_conference_eric_babar_zerrudo_en.pdf

George Nicholas and Claire Smith. (2020). Considering the denigration and destruction of Indigenous heritage as violence. Critical Perspectives on Cultural Memory and Heritage: Construction, Transformation and Destruction. London: UCL Press. Pp. 131- 154. DOI: https://doi.org/10.14324/111.9781787354845