Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

KTnatics_ENRIQUEZ

KTnatics_ENRIQUEZ

by Hannah Ysabel Enriquez -
Number of replies: 0

1. Bakit mahalaga ang cultural mapping?


Ang cultural mapping ay isang paraan para makilala ang kultura ng isang komunidad. Gayundin ang mga elemento at salik na makakaapekto dito. Kinilala ng UNESCO na ang pagkilala sa identidad ng kultura ang unang hakbang sa pagpapahalaga at pagpreserba sa mga nasasalik at di-nasasalik na kultural na mga ari-arian. Makakatulong rin ito sa pagpapalalim ng kaalaman patungkol sa kultural na kayamanan ng isang komunidad, kasama na ang teritoryal na aspeto nito, ayon kina Crawhall at Rambaldi (2006). At kahit na patuloy na nagbabago ang kultura, ang cultural mapping ay may malaking gampanin para makabuo ng bago at malikhaing paraan para mapahalagahan ang mga ito.