Gawaing Asingkrono at Pangkatan- Oktubre 3, 2024

JABEE C3S2_CHUA

JABEE C3S2_CHUA

by Rednalyn Joy Chua -
Number of replies: 0

1. Paano ipinaliwanag ang aplikasyon ng apat na yugto sa kaso ng Vigan, Ilocos Sur?

     Ayon sa pag-aaral ni Zerrudo (2008), dumagsa ang turismo sa Vigan, Ilocos Sur pagkatapos ipahayag na ito'y isa sa mga Seven Wonders Cities of the World noong Disyembre 7, 2014. Ito ay nagbukas sa iba't-ibang panganib para sa kanilang mga cultural heritage. Dahil dito nagsagawa ng cultural mapping upang mapadali ang paggawa ng solusyon at pagpapalakas ng cultural conservation program. Sa pamamagitan ng apat na yugto, hinati ang mga kalahok sa apat na grupo kung saan sila ay inatasang magdokument ng mga natural heritage, built heritage, movable heritage, at intangible heritage. Ginamit nila ang Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics (CCCPET) template kung saan nakapaloob ang mga detalye katulad ng pangalan ng heritage, lokasyon, deskripsiyon ng pisikal na itsura nito, kondisyon/ayos, gamit, petsa, larawan, atbp.

     Isinama nila sa natural heritage ang mga dagat, bundok, ilog, atbp. na makikita sa Vigan, Ilocos Sur. Habang sa built heritage ay mga lumang bahay, opisina/gusali ng gobyerno, simbahan, at sementeryo. Ang mga museo ng San Pablo/Conversion of St. Paul Cathedral ay para sa movable heritage kung saan pinag-aralan ng mga grupo ang iba't-ibang muwebles, chandeliers, mga santo, istasyon ng krus, atbp. Samantala, sa intangible (di-lantad) heritage naman ang mga pagkain, piyesta, musiko, pag-uugali, atbp. Sa madaling salita ang aplikasyon ng apat na yugto sa kaso ng Vigan, Ilocos Sur ay isinagawa sa iba't-ibang uri ng cultural heritage na matatagpuan sa kanilang lungsod upang tukuyin at magkaroon ng paglalagom sa kalagayan ng kanilang mga iniingat-ingatang yaman.