Batay sa sanaysay (Artikulo 31 ng United Nation's Declaration on the Rights of Indigenous Peoples), maaari bang masabing paglabag sa karapatan ng IPs ang kaso ng vlogger at ni Apo Whang Od?
Oo, sapagkat ang ginawa ni Nas Daily ay lantarang hindi paggalang sa permiso ng mambabatok na si Apo Whang Od. Nilabag niya ang karapatan ni Apo Whang Od na i-preserba ang kanyang kultura at ginamit ang kanyang pangalan upang manlinlang at kumita. Ang ginawa ni Nas Daily ay panggagatas sa kasanayan at karunungan ni Apo Whang Od. Nilinaw ni Palicas (2021), na hindi alam ni Apo Whang Od ang nasabing kontrata na siyang inilabas ni Nas Daily bilang ebidensya ng kanilang kasunduan sa pagtuturo ng pagbabatok. Malinaw na nilabag ni Nas Daily ang kapatan ng mga katutubong Pilipino sa pangangalaga at pananatili ng kanilang kultura at kasarinlan na ligtas at hindi maaaring nakawin ng kahit sinuman. Ang ganitong uri ng pananamantala ay kalimitang ginagawa sa mga etnikong pangkat sa Pilipinas at higit pang nangangailangan ng gabay ng mga namumuno upang mas mapangalagaan ang kanilang karapatan.
References:
Llemit, K. A. (n.d.). Nas Daily under fire for including Apo Whang Od in Nas Academy. Philstar.com. https://www.philstar.com/lifestyle/arts-and-culture/2021/08/04/2117614/nas-daily-underfire-including-apo-whang-od-nas-academy
Influencer Nas Daily accused of exploiting indigenous Filipino artist. (n.d.). Middle East Eye. https://www.middleeasteye.net/news/philippines-nas-daily-colonialism-exploit-tattoo-artist
Mga Miyembrong Tumulong:
PASCUAL, Andrei Timothy R.
ENRIQUEZ, Hannah Ysabel D.
NACABU-AN, Mariel Alexandra J.
RACAR, Jilliane Ralph M.
SIMBILLO, Kyle Tiffany A.