2. Dahil miyembro tayo ng ASEAN, paano makatutulong ang cultural mapping sa ating identidad at pagkakaisa bilang isang rehiyon?
Ang cultural mapping ay nagbibigay-daan sa atin na tuklasin at pahalagahan ang ating mayamang tradisyon, kultura, at kasaysayan. Mahalaga ito hindi lamang sa pagpapalalim ng ating pambansang identidad bilang mga Pilipino, kundi pati na rin sa pagpapalakas ng ating pagkakaisa sa mga ibang bansa na nakailalim sa ASEAN.
Sa pamamagitan ng pagmamapa ng ating kultura, natutuklasan at naipapakita natin ang yaman ng ating lokal na mga tradisyon at kasaysayan, na nagpapatibay sa ating pambansang identidad. Natutugunan rin natin ang mga hamon tulad ng climate change at mga natural na sakuna, at nakakatulong ito sa pagpapahalaga sa ang ating mga lokal na komunidad.
Pwede rin maging tulay ang pagmamapa ng kultura upang higit pang palawigin ang kooperasyon sa mga proyektong pang-kultura at pagpapalitan ng kaalaman sa loob ng ASEAN. Sa ganitong paraan, lumalawak ang ating pag-unawa at respeto sa kultura ng ating mga karatig-bansa, na nagiging susi sa mas matibay na pagkakaisa. Nakatutulong ito upang mapanatili ang ating mga tradisyon at kasaysayan sa harap ng mga pagbabago tulad ng globalisasyon at modernisasyon.
Sa kabuuan, ang cultural mapping ay hindi lamang naglilingkod sa pagpapalakas ng ating sariling identidad kundi sa pagbuo ng isang matatag at nagkakaisang ASEAN. Ito ay nagpapalalim sa ating pag-unawa sa sariling kultura, at nagsisilbi ring tulay sa pagpapatibay sa pagkakaisa natin sa ating mga karatig-bansa.
Reference:
Ian Cook & Ken Taylor. A Contemporary Guide to Cultural Mapping. An ASEAN-Australia Perspective Jakarta: ASEAN Secretariat, April 2013. https://asean.org/?static_post=a- contemporary-guide-to-cultural-mapping-an-asean-australia-perspective