4. Paano ipinaliwanag ang aplikasyon ng apat na yugto sa kaso ng Vigan, Ilocos Sur?
Ang Vigan ay idineklara bilang World Heritage noong 1999 dahil sa estilo ng arkitektura nitong Asyano at Europeyo kaya naman mahalagang pangalagaan ito dahil sa kasaysayang dala nito mula pa noong panahon ng Espanyol. Ang proyektong Cultural Mapping ng Vigan City ay aksidenteng nabuo ng ito ay isuhestyon ni dating Mayor Ferdinand Medina upang gawing kapaki-pakinabang sa lipunan ang mga bahay sa Vigan at patuloy na mapalago ang sosyo-ekonomikong status ng kanilang bayan. Sa unang yugto o tinatawag na heritage awareness, tinukoy nilang mabuti ang mga pangangailangang materyal at pinansyal sa pagsasakatuparan ng kanilang layunin at maging ang mga posibleng epekto ng isinagawang proyekto. Sa ikalawang yugto, ang heritage appreciation, hinikayat ang mga miyembro ng komunidad na makiisa sa pagtupad sa kanilang mga nais makamtan at paglulunsad ng capacity building kung saan nilalayong pag-inamin ang pagkaproduktibo ng komunidad. Sa ikatlong yugto, heritage protection, inilunsad ang mga ordinansa at polisiyang nagpapanatili sa kaayusan ng lugar at nagtuturo sa mga tao ng tamang pangangalaga sa pamanang kultural na ito. At huli, ang Heritage Utilization, ay ipinatupad upang imulat sa pamayanan ang mga suliraning kinakaharap at hanapan ito ng angkop na solusyon na siyang makakapagpaunlad hindi lamang sa komersyo ng mga may ari ng bahay kundi maging sa estado ng siyudad ng Vigan City. Bagaman naging epektibo ang nasabing proyekto, ayon sa pananaliksik ni Rabang (2015), nangangailangan pa rin ang Vigan City ng sapat na pangangalaga at pagkilala mula sa pamahalaan sapagkat kamakailan lamang ay naideklara ito bilang isa sa New Seven Wonders Cities of the World noong ika-7 ng Disyembre taong 2014.
References:
CULTURAL MAPPING AS A TOOL IN HERITAGE CONSERVATION IN A WORLD HERITAGE SITE: THE VIGAN CITY EXPERIENCE. (n.d.). ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/315632879_CULTURAL_MAPPING_AS_A_TOOL_IN_HERITAGE_CONSERVATION_IN_A_WORLD_HERITAGE_SITE_THE_VIGAN_CITY_EXPERIENCE
Makoy Koykoy. (2024). Phil His. Scribd. https://www.scribd.com/presentation/419362822/Phil-His