Gawaing Asingkrono Okt 01, 2024

ARANDA

ARANDA

by Hyacinth Aranda -
Number of replies: 0

UNANG GAWAIN 

Ang isang suliranin sa pananaliksik ay kinakailangan na relevant, manageable, tiyak, simple at malinaw, interesante, at kasagot-sagot. Sa pagbuo nito, nararapat isaalang-alang ng mananaliksik kung ano ang kanyang gustong alamin at kung kanya bang nauunawaan ang datos ng pag-aaral. Dagdag pa rito, ang datos ay dapat na makapagbigay ng kasagutan sa suliranin ng pananaliksik. Sa kabilang banda, upang makalikha ng mabisang suliranin, mayroong mga hakbang na dapat tandaan na siyang magsisilbing gabay sa pag-aaral. 

Una, kinakailangang tukuyin ng mananaliksik ang malawak na paksang kanyang nais talakayin. Pangalawa, nararapat maghanap at maggalugad ng pangkalahatang datos upang makatuklas ng mga umiiral na literatura at pag-aaral ukol sa paksa. Pagkatapos, unti-unting gawing tiyak ang paksa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga open-ended na katanungan gaya ng ‘paano’ at ‘bakit’. Kasunod, bumuo ng purpose statement na naglalaman kung bakit ginagawa ang pag-aaral: dito matatalakay ang kahalagahan ng paksa. At ang panghuli, dapat na rebisahin at isaayos ang suliranin sa pananaliksik ayon sa purpose statement upang matiyak ang relevance at pagiging tugma nito. 

 

IKATLONG GAWAIN

A. UNANG PAKSA

Wansapanataym: Pagsusuri sa Perspektibo ng Kabataan sa Escolta Manila sa Kwentong Bayan ng Kolonyal na Pilipinas

  • Suliranin sa Pananaliksik: Ano ang pangunahing pagkakatulad ng mga pagbabago sa perspektibo ng Kabataan sa Escolta sa umiiral na Kwentong Bayan ng Postkolonyal na Pilipinas? 

  • Research Design: Ang Maynila ang nagsilbing sentro ng kalakalan sa panahon ng pananakop ng Espanyol sa loob ng 333 na taon. Sa kabilang banda, ang Escolta naman ang maituturing na pinakamatandang lansangan sa nasabing lungsod. Dahil dito, saksi ang lansangan sa mahabang kasaysayan ng umiiral na kulturang mayroon tayo ngayon. Sa paglipas ng panahon, ang mga kinagisnang kwentong bayan ng kabataan ay nagbabago bunsod ng dynamikong kulturang umaangkop sa modernisasyon at kontemporaryong sining. Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang pangunahing pagkakatulad ng mga pagbabago sa perspektibo ng kabataan sa Escolta sa umiiral na kwentong bayan ng kolonyal na Pilipinas sa pamamagitan ng isang deskriptibong pananaliksik. Ang mananaliksik ay magsasagawa ng isang sarbey sa kabataan edad 8 hanggang 12 upang alamin ang kanilang mga bagong kaalaman at pananaw sa mga kuwentong bayan ng bansa. Kalaunan, ang resulta ng sarbey ay susuriin upang matukoy ang karaniwang denominador ng mga bagong perspektibo at ang kaugnayan ng mga ito sa kontemporaryong Pilipinas. 

 

B. PANGALAWANG PAKSA

“Cherry on Top!”: Historikal na Pagsusuri sa Kaugnayan ng Bubblegum Pop Music sa Tagumpay ng Bini

  • Suliranin sa Pananaliksik: Paano nakaapekto ang bubblegum pop music sa tagumpay ng Bini ayon sa mga historikal na datos? 

  • Research Design: Likas na sa mga Pilipino ang pagiging masayahin, kung kaya’t hindi na bago ang pagpukaw ng masayahing mga kanta sa ating atensyon. Dahil dito, noon pa ma’y sikat na ang bubblegum pop music sa bansa na buong pusong tinatangkilik ng masa. Ang mga tanyag na artistang maiuugnay sa genre na ito para sa historikal na kontektso ay sina Jolina Magdangal, Sandara Park, Donalyn Bartolome, Alex Gonzaga, at Nadine Lustre. Sa ilang taong pananahimik at pagiging matumal ng genre na ito, ginising ng Bini ang diwa ng masa nang sila’y pumasok sa larangan ng P-Pop at tinagurian bilang Nation’s Girl Group. Ang layunin ng papel ay suriin ang pagbabago at transisyon ng bubblegum pop music mula noong 70’s hanggang sa kasalukuyan. Naglalayon din itong suriin ang sikolohiya sa likod tagumpay ng genre na ito sa bansa, at kung paano itong naging epektibong susi ng Bini sa pagkamit ng pagkilala sa industriya ng OPM gaya ng mga naunang mga mang-aawit. Dagdag pa rito, maiuugnay ang likas na pagkakakilanlan at personalidad ng mga Pilipino sa genre na kasalukuyang pinagtatagumpayan ng grupo. 

Ang paksang ito ay gagamit ng historikal na pananaliksik bilang research design upang ma-analisa ang pagsulong at naging pag-unlad ng bubblegum pop music mula noong nag-umpisa ang mga awiting naglalaman ang mensahe laban sa diktadurang Marcos (dekada ‘70). Bibigyang diin dito ang naging impluwensya ng bubblegum pop music at ang pormula sa likod ng tagumpay ng nasabing genre at mga mang-aawit sa pamamagitan ng patterns. Gagamitin bilang pangunahing sandigan sa pag-aaral na ito ang “Dance of Life: Popular Music and Politics in Southeast Asia” (1998) ni Craig Lockard. 

 

Sanggunian:

Campitelli, S. Developing a Research Question. University of Melbourne. Peb. 15. 2018. https://www.youtube.com/watch?v=mrWeLJZydUU

Creswell, John. (2009). “Part 1. Preliminary Considerations.” Research Design: Qualitative, Quantitative, Mixed Methods Approaches. SAGE Publications Inc. 3rd ed. (pp.1-46)