- Ano-ano ang mga katangian ng isang suliranin sa pananaliksik?
Ang isang mahusay na suliranin sa pananaliksik ay dapat na may kaugnayan sa paksa at malinaw na konektado sa pangunahing tema ng pag-aaral. Dapat itong naaabot o manageable, na nasa loob ng kakayahan ng mananaliksik batay sa oras at mga mapagkukunan. Mahalaga rin na ang suliranin ay partikular at tiyak at nasusukat upang bigyang-daan ang mas nakapokus na pagsusuri. Kailangang malinaw ang tanong upang ito ay madaling maunawaan at magamit bilang gabay sa proseso ng pananaliksik. Dapat ding interesante at substantial o may kabuluhan ang suliranin upang mapanatili ang motibasyon ng mananaliksik at magkaroon ng ambag sa mas malawak na diskurso. Panghuli, ang tanong ay kailangang masaliksik o investigable dapat itong masaliksik gamit ang ebidensya at datos, at hindi umaasa sa opinyon lamang.
- Paano sumulat at bumuo ng mabisang suliranin sa pananaliksik?
Upang makagawa ng mabisang suliranin sa pananaliksik. Una, mahalagang tukuyin ang mas malawak na paksa ng interes. Sa puntong ito, mahalagang magsagawa ng panimulang pagbabasa at pagsusuri ng mga umiiral na datos at literatura upang maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng kaalaman. Pagkatapos nito, kailangang paliitin ang paksa sa pamamagitan ng mga tanong na “paano” at “bakit” upang mas mag-focus sa isang partikular na aspeto ng mas malawak na paksa. Dapat itong gawing tiyak at nasusukat, at iwasan ang mga tanong na masasagot ng simpleng oo o hindi. Siguraduhin ding isaalang-alang ang construct at application na nagbibigay linaw kung bakit mahalaga ang tanong at paano ito mag-aambag sa kasalukuyang panahon.
A. Unang Paksa
Suliranin: Paano nakakaapekto ang debosyon sa La Virgen Divina Pastora sa pagkakakilanlan at espiritwal na buhay ng mga tao sa Gapan, Nueva Ecija?
Research Design: Gagamit ng mixed methods research design upang suriin ang epekto ng debosyon sa La Virgen Divina Pastora sa pagkakakilanlan at espiritwal na buhay ng mga tao sa Gapan, Nueva Ecija. Sa quantitative part, susukatin ang antas ng debosyon, espiritwal na kasiyahan, at pakikilahok sa mga aktibidad ng simbahan gamit ang survey questionnaires na may mga tanong na naka-scale sa 5-point Likert scale. Ang mga nakuhang datos ay susuriin gamit ang descriptive statistics upang makita ang mga trend at patterns. Sa qualitative phase, magsasagawa ng semi-structured interviews sa mga lokal na residente at lider ng simbahan upang masaliksik ang kanilang mga karanasan at pananaw, na susuriin gamit ang thematic analysis. Upang mas maipaliwanag ang mga ritwal at aktibidad tuwing pagdiriwang, isasama ang participant observation sa proseso.
B. Pangalawang Paksa
Suliranin: Paano itinuturing ng mga artistang Pilipino ang CCP bilang isang hub para sa pagpapanatili at pagpapayabong ng sining at kultura sa bansa?
Research Design: Qualitative Research Design ang gagamitin upang tuklasin ang personal na pananaw at karanasan ng mga artistang nagtanghal o naging bahagi ng mga programa ng CCP. Gagamit ng in-depth interviews upang makapanayam ang mga piling artist at kultural na tagapagtaguyod na may malalim na koneksyon sa CCP. Ang mga naratibo ay susuriin gamit ang thematic analysis upang makilala ang mga karaniwang tema tulad ng kahalagahan ng CCP sa kanilang pag-unlad bilang mga alagad ng sining, ang papel nito sa pagtataguyod ng kultura, at ang mga hamon at oportunidad na kinakaharap nito.
References
Campitelli, S. Developing a Research Question. University of Melbourne. Peb. 15. 2018. https://www.youtube.com/watch?v=mrWeLJZydUU
Creswell, John. (2009). “Part 1. Preliminary Considerations.” Research Design: Qualitative, Quantitative, Mixed Methods Approaches. SAGE Publications Inc. 3rd ed. (pp.1-46)