Gawaing Asingkrono Okt 01, 2024

ADORNA

ADORNA

by Hannah Adorna -
Number of replies: 0

Gawain 1:

Ang isang mahusay na suliranin sa pananaliksik ay may ilang pangunahing katangian: ito ay tiyak, malinaw, at maaaring masaliksik. Dapat itong magbigay-daan sa pagkolekta ng datos at pagsasagawa ng masusing pag-aaral, habang nakatuon sa isang isyu o tanong na may kaugnayan at praktikal na solusyon. Ang tanong ay dapat hindi gaanong malawak o masyadong makitid upang maging matagumpay ang pananaliksik. Sa pagsulat naman ng mabisang suliranin, sinisimulan ito sa isang malawak na paksa at unti-unting pinapaliit sa iisang pokus upang bumuo ng isang espesipikong tanong na maaaring sagutin sa pamamagitan ng empirikal na ebidensya.

Gawain 3:

Paksa 1: “Ang Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Local Study Centers sa Bayan ng Bocaue at Mga Plano para sa Pagtatatag Nito”

Suliranin: Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng local study centers sa bayan ng Bocaue, at ano ang maaaring mga konkretong hakbang at etratehiya upang maitaguyod ito?

Research Design: Angkop ang Mixed Methods Research Design sa paksang ito upang makakuha ng masusing datos at impormasyon. Sa Kwantitatibong aspeto, maaaring magsagawa ng survey sa mga residente ng Bocaue, partikular sa mga estudyante, guro, at magulang, upang malaman kung gaano kalawak ang pangangailangan para sa study centers. Gagamit ng structured questionnaires upang alamin ang kanilang interes at ang benepisyong makukuha sa pagkakaroon ng ganitong pasilidad. Sa Kwalitatibong aspeto naman, maaaring magsagawa ng focus group discussions o panayam sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga tagapamahala ng edukasyon, at mga lider ng komunidad upang makuha ang kanilang pananaw at plano para sa pagpapalakas ng edukasyon sa bayan.

 

Paksa 2: “Pag-aalam sa Presensya ng Special Program in the Arts (SPA) sa mga Pampublikong Paaralan sa Bulacan"

Suliranin: Mayroon bang mga Special Program in the Arts (SPA) sa mga pampublikong paaralan sa Bulacan, at ano ang epekto nito sa pagpapaunlad ng sining at kultura sa rehiyon?

Research Design: Angkop ang Qualitative Research Design para sa paksang ito upang masuri ang pagkakaroon at epekto ng mga SPA programs. Maaaring gumamit ng mga panayam at focus group discussions sa mga guro, estudyante, at administrador mula sa iba't ibang paaralan sa Bulacan na may ganitong programa. Bukod dito, maaari ring pag-aralan ang mga opisyal na dokumento at policy guidelines mula sa DepEd (Department of Education) upang masuri kung anong mga paaralan sa Bulacan ang may SPA at ang kanilang mga curriculum.

References:
Campitelli, S. Developing a Research Question. University of Melbourne. Peb. 15. 2018. https://www.youtube.com/watch?v=mrWeLJZydUU
Creswell, John. (2009). “Part 1. Preliminary Considerations.” Research Design: Qualitative, Quantitative, Mixed Methods Approaches. SAGE Publications Inc. 3rd ed. (pp.1-46)