Gawain sa Modyu 1 - Sarbey

TOLENTINO_Sarbey

TOLENTINO_Sarbey

by Rondale Ashton Phil Tolentino -
Number of replies: 0

Isinarbey ko ang aking lola para sa gawaing ito.

Para sa kanya, ang pamana ay isang bagay na iniiwan ng mga kapamilya para sa mga ibang pinagkakatiwalaang miyembro, magkadugo man o hindi. Sa kanyang kaso, umangkin siya ng mga pamana mula sa kanyang mga magulang, tulad ng mga ari-arian o mga alahas. Pero ang pinakamahalagang pamanang natanggap niya ay ang bahay at ng lupa nito na mula pa sa kanyang lola. Sa pagtagal ng panahon, dumadaan ang pagmamay-ari ng mga ito sa pamilya namin at hanggang ngayon ay ginagamit namin bilang tirahan sa probinsya. Isa itong bahay na gawa sa kongkreto, nakatayo sa lupang sukat na 200 metro kuwadrado, at umaabot sa dalawang palapag. Halos ang lolo’t lola ko ang nag-aalaga nito, lalo nang sila ang tagatanggap at nagretiro na sa probinsya. Ayon din kay Lola, pinayayaman at pinaayos nila ni Lolo ito upang maging maganda ang kondisyon nito kung maangkin namin ito sa pagdating ng panahon.

Pagkatapos tanungin ko si Lola, nakakagaan sa pakiramdam ang kanyang sagot na ginagawa nila lahat ito para sa kabutihan ng pamilya namin, at nais ko sana ibalik ang pabor sa kanila nang madaling panahon. Nakakatuwa ring malaman na ang aking pamilya ay nakikibahagi rin sa pangangalaga ng pamana ng kultura.