Gawain sa Modyu 1 - Sarbey

SISON_Sarbey

SISON_Sarbey

by Linn Ashley Faith Sison -
Number of replies: 0

          Hindi sagana sa karangyaan ang aking pamilya magmula pa nang ipanganak ang aking mga magulang. Marahil ang kasalatan na ito ang nagdulot upang magbuklod buklod at mapagtibay ang relasyon namin sa aming mga kamag-anak.

          Isa sa mga ipinamana sa aking mga magulang, na kanilang itinuturo sa akin ngayon, ang pagkakaroon ng madasalin at matatag na puso. Para sa kanila, ang salitang pamana ay sumisimbolo sa mga intangible na bagay; mga alaala na kailanman ay hindi mapapalitan, at mga oras na hindi na maaaring balikan. Para sa aking ama't ina, ang pinakamahalagang pamana na kanilang natanggap at patuloy na natatanggap ay ang pananampalataya at pananalangin ng aming pamilya, mga kaanak, at mga kaibigang nakapaligid – lalo na ang araw araw na pagsama sa amin sa bawat dalangin ng aking lola.

          Ang aking pamilya ay maituturing na isang relihiyosong pamilya, kung kaya't mahalaga sa amin ang pagkakaroon ng matatag na espirituwalidad. Ito rin ang siyang dahilan kung bakit ako mayroong "Faith" sa aking pangalan – sapagkat nais ng aking pamilya na maitatak sa aking utak at puso ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos sa lahat ng oras.