Ang pamana, ayon sa aking mga magulang, ay anumang bagay na naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod, maging ito man ay pisikal, mental, o emosyonal. Nakatanggap din sila ng pamana mula sa kanilang mga magulang, ang aking mga lolo at lola. Bukod sa pisikal na pagkakahawig, pinamana ng aking lola sa aking nanay ang kanyang lupa sa Bohol. Ngunit para sa aking mga magulang, ang pinakamahalagang namana nila ay ang aspektong mental at emosyonal.
Minana ng aking mga magulang ang saloobing pakikiramay, mabuting etika sa trabaho, at mga pagpapahalagang moral mula sa aking mga lolo at lola. Para sa aking lola, mahalaga ang mga ibinigay nila sa kanilang mga anak, dahil dito nila maipapakita ang kanilang pagmamahal at pag-aalaga. Nais lamang ng lola ko na ang mga magulang ko ay maging mabubuting tao at magkaroon ng magandang buhay.
Bilang tagatanggap ng mga ito, pinahahalagahan ito ng aking mga magulang sa pamamagitan ng pagsisikap na maging mabubuting tao at pagkaroon ng mabuting pakikitungo sa iba, upang ang mga ito ay mapanatiling mapreserba at maipasa pa sa amin. Para sa aking mga magulang, nararamdaman nilang nagpapasalamat kami sa kanila, sa mga pagkakataon na ginagamit namin ang mga katangian na minana namin mula sa kanila.