Oryentasyon sa Klase
Maaaring mag-iwan ng mga komento at katanungan sa Forum na ito. Hindi ito kasama sa pagpupuntos sa klase. Sa halip na mag-email sa propesor, iwan dito ang tanong para mabasa at malaman ng ibang kaklase.
Dalawa ang opsyon:
1. Tumugon (reply) sa paksa (topic) na sinimulan ng kaklase o propesor;
2. Magsimula ng sariling paksa sa pamamagitan ng Add New Discussion Topic at maghintay ng tugon ng kaklase o propesor.
Nakatuon ang kursong ito sa paglilinang ng kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino sa higit na mapanuring pag-iisip at masinop na pananaliksik.
Sa modyul na ito ipapakilala sa iyo ang oryentasyon ng pananaliksik sa kasalukuyang panahon. Ipapaliwanag sa modyul na ito ang katotohanan na laganap ang impormasyon, misimpormasyon, at disimpormasyon sa ating lipunan. Sa harap ng realidad na ito, napakahalaga na maging mapanuri at kritikal ka sa pagkonsumo, pagpapakalat, at produksyon ng impormasyon sa madla.
Isumite sa Forum na ito ang inyong nilagdaang kopya ng Copyright Notice mula sa Gabay sa Kurso.
Gamitin ang apelyido bilang filename at subject.