A. ano-ano ang mga approach sa konserbasyon ng kamanahang kultural?
Ang mga approach na mababangit at mabibigyang paliwanag ay ang sumusunod:
1. Adaptive Re-use
2. Old and New
3. Urban Regeneration
Magkakalapit ang mga solusyong nababahagi ng mga ito. Magkakatulad din ang mga aspetong kinokonsidera sa pag-iral katulad ng mga pisikal na manipestasyon ng kultura (istruktura) at eknomya. Sa salaysay, dinidiin na hindi sagka sa paglago. ng lipunan ang pangangalaga ng kamanahang kultural bagkus, sa pagtatampok at konserbasyon nito tayo makakahanap ng mas sustenableng alternatibo tungong sa pag-unlad.
B. Sa tingin mo ba magagamit ang Culture-OrientedEconomic Development ni Van Der Borg at Russo sa mga bansang bahagi ng global south?
Tingin ko oo at may nakikita naman na akong binhi ng ganitong pag aplika sa mga iilang distrito sa bansa at kung sa lebel ng mga pamahalaang rehiyon, ang pagtatampok ng nga lokal na produkto nito. Maaring nasa antas pa talaga ng pag-unlad ang paglalalapat ng ganitong mga panukala dahil iba rin ang pagpupuspus na pangangailangan nito kapag ang layunin ay mas tutok sa pagluwal ng creative economy na sa bansa ay angking tunay.
Kung isasa-kontekstuwal pa lalo, bagaman may mga polisiya tayong gabay sa pangangalaga ng kultura, nanaitiling bansot ang tugon sa hamon nito. Makikita na limitado pa rin ang mga espasyo para sa gawaing pangkultura, kaliwa’t kanan ang suliranin sa pangangalaga ng kasaysayan at kamanahang kultural, at higit sa lahat hirap sa rekurso (pareho sa pagkakaroon ng trabahao, at kagamitan) ang mga manggagawang kultural/ alagad ng sining para umiral at matupad ang kanilang oryentasyon. Sa gantong serye ng pagkabulagsak, hindi maitatanggi na kailangan pa bunuuin at pagyamanin ang sinasaklaw ng programang pangangalaga sa kultura.
Kailan masasabi na nagkaroon ng positibong pagbabago hinggil sa usapin? Siguro kung kalakhan o kabuuan ng mamamayang Pilipino ay may kakayahang lumahok sa pagdepensa at pagyabong pa lalo ng kultura. Kapag ito na ang kalagayan at mulat nang may partisipasyon, dito lang masasabi na napunan ng husto ang rekisito para makapaglatag ng komprehensibong at malawakang aksyong tugon.