Gawaing Asingkrono - Nobyembre 14, 2024

Racar_Gawaing Asingkrono

Racar_Gawaing Asingkrono

by Jilliane Ralph Racar -
Number of replies: 0

a. Ano-ano ang mga lapit (approach) sa konserbasyon ng kamanahang kultural?

               Ayon sa hangad bilang labing isa (11) ng 2015 Sustainable Development Goals mahalaga ang kultura sa pagpapayabong ng isang komunidad. Ang mga lapit na maaaring magpanatili sa kalagayan o pagkonserba sa mga kamanahang kultural ay una ang adaptive re-use na hinango sa RA 10066, na nangangahulugang paggamit ng mga infrastructure sa ibang paraan bukod sa orihinal nitong gamit ng hindi nakaaapekto sa urban development. Ikalawa, ang ideya ng urban regeneration na makatutulong sa pagtugon sa hamon ng urbanisasyon ay inilathala nila Peter Roberts at Huge Skyes (2000s). Kalakip nito ang apat na pamamaraan: (1) urban reconstruction na nagpapatupad ng action plan na layong alamin ang kabuong kondisyon ng lugar, (2) urban revitalization na nagbibigay ng direktang solusyon, (3) urban renewal na nagsasatema ng mga magkakatabing gusali ayon sa kultura at kasaysayang nakakabit dito, at (4) urban redevelopment na nagsusulong sa ekonomiya ng lugar sa pamamagitan ng pamamaraan gaya ng ginagawa sa adaptive re-use. At huli, ang isinagawang conservation program sa Vigan, Ilocos Sur na nahapyawan na sa Modyul 4. Ito mayroong apat na yugtong hango sa four-phase model ni Zerrudo: (1) awareness na humihimok sa kaalaman ng mga mamamayan sa kanilang lugar, (2) appreciation na nanghihikayat sa pagpapahalaga ng mga tao, (3) protection na nangangalaga sa kabuoang lagay ng isang cultural site, at (4) utilization kung saan ginamit nila ang mga unang palapag ng mga bahay sa Calle Crisologo bilang espasyong pangkomersyo.

b. Sa tingin mo ba magagamit (applicable) ang Culture-Oriented Economic Development ni Van der Borg at Russo (2005) sa mga bansang bahagi ng Global South?

               Magagamit ito sa mga bansang bahagi ng Global South o mga bansang patuloy pang pinauunlad ang ekonomiya o mga third world countries kabilang ang Pilipinas. Hindi imposibleng maging matagumpay ang bawat proyektong inayon sa Culture-Oriented Economic Development  ni Van der Borg at Russo (2005) kung makikilahok ang bawat miyembro ng komunidad sa mga aktibidad na konektado sa pangangalaga ng mga cultural site. Kinakailangan ding magkaroon ng grupong naglalaan ng oras upang isulong ang mga ordinansang makapagpapanatili at makapangangalaga sa estado ng lugar. Marapat lang din namang bigyang-pansin at pag-aralan nang masusi ng pamahalaan ang pangunguna at pagpapahintulot sa ganitong proyekto. Kinakailangan ding mapagdesisyunan nang wasto ng may-ari ng nasabing gusali kung paanong magagampanan ang kanyang responsabilidad na pangalagaan ito. Ang kakulangan sa partisipasyon ng mga nabanggit ay ang pangunahing salik na makaaapekto sa resulta ng planong pagkonserba at maaari rin itong maging hadlang sa hangaring maisalba ang mga cultural site mula sa banta ng tuluyang pagbabago at pagtanggal nito mula sa orihinal nitong gawi. Kagaya na lamang ng sitwasyon sa Escolta, Manila kung saan may banta pa rin sa tuluyang pagkawala ng pagiging "sentro ng komersyo" nito dahil sa kawalan ng framework at direktang plano na magpoprotekta sa nasabing kamanahang kultural.


References:

Cruz, G. “The Cultural Heritage-Oriented Approach to Economic Development in the Philippines: A Comparative Study of Vigan, Ilocos Sur and Escolta, Manila.”10th DLSU Arts Congress De La Salle University Manila, Philippines February 16, 2017. https://www.semanticscholar.org/paper/The-Cultural-Heritage-OrientedApproach-to- Economic-Cruz/8d151867da4961691acdfbd4a9c221eef067c737